Wednesday , November 20 2024

Wang Bo ops vs Liberal Party maraming nakoryente!

WANG BO‘YAN na nga ba sinasabi natin noong una pa lamang, ‘HEARSAY’ lang pinatulan at pinalaki na, ang resulta KORYENTE to the maxx. 

Mukhang ‘nabiktima’ ng sariling ‘operation’ ang nagpakana ng isyung ito, tungkol sa binansagan pang Chinese crime lord na si Wang Bo.

‘Yun bang tipong, gumawa ng kuwentong kutsero pero ang nabiktima ‘siya’ mismo riyan sa Bureau of Immigration. 

Masyadong desperado ang gumawa ng Wang Bo operation na ‘yan, mantakin ninyong gamiting demolition job laban sa matitinding stalwarts ng Liberal Party at dalawang Immigration associate commissioners. 

Mabuti na lamang at hindi basta naniniwala si Pangulong Noynoy sa mga ganyang operation kaya pinaimbestigahang mabuti hindi lamang sa Kamara kundi maging sa Department of Justice (DoJ).

At ‘yun lumalabas na si Wang Bo ay inopereyt pala ng kalaban ng kompanya nila sa negosyong online gaming sa China na ginagawa riyan sa Cagayan CEZA.

Meron sigurong nakasilip na ‘demonyo’ media operator at ‘yun biglang iniangkla sa Liberal Party.

Nagtataka lang tayo kung bakit biglang sinakyan ni Immigration Commissioner Siegfred ‘pabebe’ Mison ang isyu at kinaladkad pa ang dalawa niyang Associate Commissioners na sina attorneys Abdullah Mangotara at Gilbert Repizo!?

‘Yan talagang galit, inggit at ngitngit sa kapwa walang naidudulot na mabuti sa taong nagdadala niyan.

Ngayong napatunayan na koryente ang Wang Bo story na ‘yan, sino ang dapat managot!?

Pananagutan kaya ngayon ‘yan ni BI Commissioner Fred ‘pabebe’ Mison?! 

Sa paanong paraan?!

Moral of the story: “Huwag magpapapatol sa tsismis!”

Ang dalas kasing magpa-showbiz ‘e.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *