Wang Bo ops vs Liberal Party maraming nakoryente!
Jerry Yap
August 7, 2015
Opinion
‘YAN na nga ba sinasabi natin noong una pa lamang, ‘HEARSAY’ lang pinatulan at pinalaki na, ang resulta KORYENTE to the maxx.
Mukhang ‘nabiktima’ ng sariling ‘operation’ ang nagpakana ng isyung ito, tungkol sa binansagan pang Chinese crime lord na si Wang Bo.
‘Yun bang tipong, gumawa ng kuwentong kutsero pero ang nabiktima ‘siya’ mismo riyan sa Bureau of Immigration.
Masyadong desperado ang gumawa ng Wang Bo operation na ‘yan, mantakin ninyong gamiting demolition job laban sa matitinding stalwarts ng Liberal Party at dalawang Immigration associate commissioners.
Mabuti na lamang at hindi basta naniniwala si Pangulong Noynoy sa mga ganyang operation kaya pinaimbestigahang mabuti hindi lamang sa Kamara kundi maging sa Department of Justice (DoJ).
At ‘yun lumalabas na si Wang Bo ay inopereyt pala ng kalaban ng kompanya nila sa negosyong online gaming sa China na ginagawa riyan sa Cagayan CEZA.
Meron sigurong nakasilip na ‘demonyo’ media operator at ‘yun biglang iniangkla sa Liberal Party.
Nagtataka lang tayo kung bakit biglang sinakyan ni Immigration Commissioner Siegfred ‘pabebe’ Mison ang isyu at kinaladkad pa ang dalawa niyang Associate Commissioners na sina attorneys Abdullah Mangotara at Gilbert Repizo!?
‘Yan talagang galit, inggit at ngitngit sa kapwa walang naidudulot na mabuti sa taong nagdadala niyan.
Ngayong napatunayan na koryente ang Wang Bo story na ‘yan, sino ang dapat managot!?
Pananagutan kaya ngayon ‘yan ni BI Commissioner Fred ‘pabebe’ Mison?!
Sa paanong paraan?!
Moral of the story: “Huwag magpapapatol sa tsismis!”
Ang dalas kasing magpa-showbiz ‘e.
Las Piñas police chief S/Supt. Jemar Modequillo allergic sa media interview?!
MUKHANG hindi na-train sa community relationship ang bagoong ‘este bagong Las Piñas police chief na si Senior Supt. Jemar Modequillo.
Para kasing takot na takot ma-interview ng media.
Minsan daw kasing nadalaw ng ilang katoto natin si Kernel Modequillo para mag-follow-up tungkol sa isang kaso.
Aba, ang dialogue ni Kernel Modequillo, “Hindi ako ang dapat kausapin kundi ‘yung imbestigador.
Ay suplado si Kernel?!
Hindi pala siya puwedeng tanungin at lalong hindi puwedeng interbyuhin?!
Ok lang naman sa mga reporter kung ayaw niyang magpa-interview pero huwag naman daw silang binabastos!
May trauma ka ba sa media, Kernel Modequillo?
Hindi lang ‘yan, mukhang ayaw rin niya ‘matingnan’ dahil agad ipina-TINT ang kanyang opisina.
Ano kaya ang ayaw ni Kernel Modequillo na ‘masipat’ sa loob ng opisina niya?!
‘Yun kayang mga parating… na bisita?!
Kakaiba ka rin, Kernel Modequillo ha?!
NCRPO chief, C/Supt. Joel Pagdilao sir, bawal ba talagang mainterbyu ang mga hepe ng pulis ninyo ngayon?
Pakisagot na nga po!
Ayaw ‘daw’ makilala na NCRPO overall collector?!
MUKHANg malihim at ayaw sumikat (kasi sikat na) ang isang retarded este retired police na si alias WILSON KILALA na itinuturong overall collector ng PNP NCRPO ngayon.
Hindi lang NCRPO, pati Region 4-A ay nakatongpats kay KILALA?!
Major problem kaya ni Calarbazon RD Gen. Richard Albano si KILALA o major asset!?
At para huwag pumutok, itinalaga raw ni KILALA ang isang alias Cezar Pilosopo-gago na maging taga-ayos ng mga taga-media.
Habang ang overall collector ay isang alyas Rayan Bakordo naman.
Ayon sa ating impormante, hindi bababa sa P1.2-M ang weekly collection ng grupo ni KILALA sa NCR.
Hindi pa raw kasama riyan ang jueteng.
Kumbaga, itong grupo ni KILALA ay eksperto sa LAGOM.
Maging ‘yung mga taga-media kanilang ipinanglalagom.
Marami umanong kolumnista na hindi ‘abot’ ang sistema ni KILALA pero nakalista sa payola. (Buhay pa pala ‘yang sistema na ‘yan!)
At sa totoo lang daw, sa LAGOM ay mas marami ang nabubukulan na katoto natin kaysa ‘napaparating.’
Idedeklara kuno na 5k a week ang isang kolumnista pero ang parating ay 2k!
Sonabagan!!!
Kumikita na sa tongpats pati media pinagkakaperahan pa!
Akala ko ba may pagbabago sa bagong liderato sa PNP at NCRPO!?
Uminom nga kayo ng Royal tru-orange!!!
MPD kupitan at misis may bitbit pa na pulis sa shopping pa-more?!
SIR Jerry, ALAM n’yo po ba na madalas namimili si intelihensya kupitan at kumander niya? Bitbit pa ang tauhan at striker n’yang matandang bastos. Maganda ang delihensiya kasi kung mamili ay kahon-kahon, malaking push cart at kariton pa. Ang laki siguro ng bukol ni DD sa kanya? Pulis Onse. +63912818 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com