Wednesday , November 20 2024

Sen. Grace Poe-kipot ‘este’ pakipot ba?

Grace PoePAKIPOT ba o talagang matigas ang tindig ni Senator Grace Poe na huwag makipag-tandem kay outgoing DILG Secretary Mar Roxas sa Liberal Party para sa 2016 presidential elections?

Naitatanong natin ito dahil base sa mga nagdaang pangyayari at mga press release na pag-uusap umano nina Pangulong Benigno Aquino III at Sen. Grace Poe (dalawang beses na) ‘e wala man lang nahihiwatigan ang sambayanan kung magbi-bise ba ang anak ni FPJ sa mister ni Ate Korina.

Kumbaga, hindi epektibo kay Sen. Grace ang mga ‘palipad hangin’ ni PNoy.

O nagpapakipot lang si Sen. Grace?

Sa kanyang mga pahayag, sinabi niyang pwede silang tumakbong independiente ni Senator Chiz Escudero sa ano mang posisyon na nais nilang takbuhan.

Sinabi pa kamakailan ni Sen. Grace, wala naman daw opisyal na alok ang Palasyo o ang Liberal Party para makipag-tandem siya kay Secretary Mar.

Kumbaga puro pahaging o palipad-hangin lang.

Ahh kaya naman pala…

‘E bakit nga ba walang pormal na imbitasyon ang LP?! Ano pa ba ang tinitimbang-timbang nila?

Si Grace, si Leni o si Ate Vi?

Pero kahapon lang, nagsalita na rin ang spokesperson ng Nationalist People’s Coalition (NPC), susuportahan nila sina Senators Grace & Chiz ano mang posisyon ang nais sungkitin ng dalawa sa 2016 elections.

At sa Setyembre umano sila magdedeklara kung sino ang kanilang mga pambato.

Ano kaya ang ibig sabihin niyan?

Tuluyan na bang magta-tandem sina Senators Grace & Chiz sa ilalilm ng NPC?!

Kung popularismo ang pag-uusapan, walang duda, swak na swak diyan  si Sen. Grace..

Pero, may makinarya ba siyang magtatrabaho para ‘yang popularismo na ‘yan ay mai-convert niya sa BOTO?!

Gaano siya magiging matatag sa gitna ng durugan at bakbakan?! Ngayon pa lang ay may intriga at nagpapaputok na isa siyang lasenggera, nananakit ng kasambahay, pumasok sa rehab dahil adik etc.

Ganyan daw ang kakaharaping black propaganda ni Sen. Grace. Kayanin kaya ‘yan ng anak ni Panday at ni Inday?

Pero mukhang malakas talaga ang impluwensiya ni Sen. Heart ‘este Chiz kay Sen. Grace, ‘di ba?

Dahil mukhang from the day one na napag-usapan nila ang bagay na ‘yan ay hindi na nabago ang kanilang  desisyon.

Anyway, inisip siguro ni Sen. Grace na wala namang mawawala sa kanya dahil kapag natalo siya ‘e babalik lang siya sa Senado.

Kumbaga, just testing the water.

Kung buo na nga talaga ang kanyang desisyon na tumakbo sa pinakamataas na posisyon, wish lang natin, ‘wag naman sana siyang matulad sa kanyang tatay FPJ.           

Good luck Sen. Grace!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *