Nasaan na ang pangakong hustisya para sa SAF 44? Matatapos na ang termino ni PNoy pero wala pa ring nangyayari sa kaso.Kunsabagay, sa huling SONA ay hindi man lang niya hinapyawan ang SAF 44. Kahit purihin man lang sana ang kabayanihan ng 44 pulis.
Heto naman si DILG Sec. Mar Roxas na may padrama epek pa – maluha-luha pa sa kanyang pagpapaalam matapos siyang iendorso ni PNoy, kanyang ginamit pa ang SAF 44 – sa anggulo ng mga salitang “ang mamamatay nang dahil sa iyo”, pero sa totoo lang hindi pa nakakamit ang katarungan para sa SAF 44.
Sa talumpati ni Roxas, inihalintulad niya ang sinapit ng SAF 44 (ang kanilang dedikasyon at serbisyo sa bayan) sa diwa ng huling linya ng “Lupang Hinirang,” …”ang mamatay nang dahil sa ‘yo.”
Sabi naman ni Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list Rep.Samuel “Sir Tsip” Pagdilao, okey na sana ‘yung pamamaalam ni Roxas kasi for delicadeza para sa pagtakbo niya sa 2016 election, lamang bago sana niya lisanin ang PNP at DILG, aba e ilagay niya muna sa ayos ang lahat.
Mabuti na lamang daw at hindi tinanggap ni PNoy ang kanyang pagbibitiw bilang kalihim ng DILG. Alam kasi ng pangulo napakarami pang nakabinbim na trabho sa DILG na dapat isaayos.
Ano pa man, dapat na hindi mawaglit ang nangyari noong Enero 25, 2015 – ang sinapit ng 44 pulis ng PNP Special Action Force (SAF). Isa sa mga kasong nangangailangan ng resolusyon sa ilalim ng PNoy admin., partikular na sa DILG sa ilalim ni Roxas.
Sabi ni Pagdilao, nagsisilbing hamon sa determinasyon ng pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng SAF 44 pero ano ang nangyayari, mukha kinalimutan na ito at sa halip, nakapokus na ang PNoy gov’t sa BBL.
Sabi ni Justice Sec. Leila De Lima, may mga makakasuhan na daw. Pero nasaan!?
Sana naman dagdag ni Pagdilao, bago tuluyang magbitiw sina Roxas at De Lima ay makamit na ng SAF 44 ang katarungan.
GPS, drone nais ng QCPD
Yes, nais ni Chief Supt. Eduardo G. Tinio, Quezon City Police District (QCPD), District Director. na sana’y magkaroon ng mga ganitong gamit ang ipinagkatiwalang pulisya sa kanya.
Para saan naman ang GPS at drone? Kailangan ba talaga ito?
Sa panayam kay DD kamakalawa, ang dalawang gamit ang kasama sa kanyang wishlist na isusumite kay QC Mayor Herbert Bautista. Yakang-yaka iyan ng City Government. Ang yaman kaya ng Kyusi.
Para saan nga ang dalawang hi-tech na gamit. Anang bagong upong DD, gagamitin ito sa kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod. Ayos ‘yan ha. Oks pala ang paggagamitan nito. Bili na mayor.
Planong pakakabitan ni Gen. Tinio ng GPS ang lahat ng mobile car ng QCPD. Bakit? Para masubaybayan ang lokasyon ng mga nagpapatrulyang mobile car. Naku lagot kayo ngayon mga gumagamit ng mobile car. Monitored na kayo. Hindi na niyo magagamit sa kung saan-saan ang mobile.
Tama uli ‘yan opinyo niyo Gen. Tinio.
Bukod dito, ipinaliwanag pa ni Gen. Tinio ang magiging tulong ng GPS laban sa kriminalidad. Halimbawa daw kung may nangyayaring krimen sa isang lugar, sa pamamagitan ng GPS matutukoy kung anong mobile car ang pinakamalapit sa pinangyarihan at ito ay agad nila matawagan (thry two way radio) para agad na rumesponde sa pinangyarihan. May tama ka uli diyan Gen. Tinio.
Sa punto ito, maaaring masawata agad ang krimen at maaresto doon na mismo ang mga salarin. Ayos nga itong plano mo General.
Mayor Bistek, maganda nga itong plano ni General. Tukoy na agad ang mga salarin, tukoy na agad ang krimen, mabilis na matukoy ang pinakamalapit na nagpapatrulayang mobile car at higit sa lahat, tukoy agad ang mga pulis na ginagamit sa kawalanghiyaan ang mobile car.
Ang drone naman, oo may kamahalan siguro, depende ito sa klase – sa google nakita kong prices ay P4,000 to P50,000. Kayang-kayang Mayor Bistek, kahit sampu pa ang bilhin mo.
Pero hindi malahaga ang presyo nito – mahal man o mura, basta ang mahalaga ay ang paggagamitan o maitutulong nito.
Nais ni Gen. Tinio na magkaroon ng ganitong gamit – uli para sa kampanya ng QCPD laban sa kriminalidad. Marami daw puwedeng paggagamitan nito – pagmomonitor sa isang lugar na medyo masasabing mahirap pasukin agad kapag may nagaganap na malakihang krimen, rally – malaking rally tulad ng SONA at iba pa.
Naniniwala ang heneral na sa paggamit ng GPS at drone ay malaking tulong sa kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod. bagamat, nagpapasalamat naman ang bagong district director sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa kapulisan ng Kyusi.