Nawalang 20 chinese illegal workers pinaiimbestigahan ‘kuno’ ni Mison!?
Jerry Yap
August 5, 2015
Bulabugin
DELAYED reaction yata ang biglang pag-order ni BI Commissioner Fred ‘good guy’ Mison na mag-conduct ng investigation tungkol sa nangyaring pagdakip sa 191 foreigners diyan sa isang call center malapit sa Resorts World Leisure and Casino.
Sinasabing hindi raw siya kombinsido sa nangyaring imbestigasyon dahil marami raw ang pinera ‘este pinakawalan nang walang kaukulang pahintulot o sinasabing hilaw ang imbestigasyon bago tuluyang binitawan ang mahigit sa 20 Chinese illegal workers.
What the fact, Atty. Tan-5!?
Sa panig ng mga nakaiintindi sa ganitong pa-praise release ni Miso ‘este Mison, natatawa na lang sila.
Sabi pa ng iba “hugas kamay na parang si Pilato” daw si Fafa!?
Matapos batikusin at kuwestyonin natin at ng ilang katoto ang legality ng operation at pag-issue niya ng Mission Order or “general warrant” tila naramdaman raw ni Freddie boy na mukhang malalagay na naman siya sa alanganin kaya naisipan niyang magpaimbestiga?!
Unahan at hanapan na naman daw ng mga taong ilalaglag upang maisalba agad ang kanyang pangalan!?
Hanep naman ‘di ba?
Alam rin kasi ng mga totoong nakaiintindi ng batas na ang nakagawian nitong si Comm. Fred “good guy” Mison na mag-issue ng general warrant ay isang malaking “BAWAL” at hindi naaayon sa ating Saligang Batas.
Bago pa mapunta ang issue sa pagiging “ignoramus” or ignorance of the law at bago pa man magkaputukan, kinakailangan na niyang unahan ang media at palabasin na siya ay nagpaimbestiga para nga naman absuwelto agad ang mama?!
What can you say about that, Atty. Plaza?
Basang-basa ba ang galaw ng bossing mo ng ilang abogado riyan sa BI?
Well, para talaga maniwala ang lahat na walang bahid ng moro-moro ang gustong mangyari ni Mr. ‘good guy’ Mison, ‘e bakit hindi muna i-relieve (agad-agad) sa kanilang mga posisyon ang mga inutusan ninyong manguna sa nasabing operation para masabing “fair ends” ang gagawing imbestigasyon at maiwasan din ang “whitewash” sa isyung ito?
Sino kaya kina Tupas at Licas ang magiging sacrificial lamb sa isyung ito?
Since may bahid ka naman ng pagdududa Mr. Good Guy, mas maganda siguro kung pagbakasyonin mo rin sila sa Taganak, Balabak o Tibanban, na nakagawian mong dalhin ang iyong mga empleyadong sumasalto o ‘di kaya naman kinasusuklaman mo!
Hindi kaya ganito na lang ang panggigigil nitong si Mr. Pabebe Good Guy ‘e dahil nagkabukolites sa nasabing hulihan blues?
Your guess is as good as mine!?
Bwahahaha! Aruy ko!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com