Wednesday , October 9 2024

Nakabibilib si Mar Roxas

00 pulis joeyBILIB talaga ako kay outgoing DILG Secretary Mar Roxas.

Matapos magdeklara ng kanyang kandidatura sa pagka-presidente sa 2016 last Friday, ipinahayag naman kamakalawa ni Roxas ang pagbibitiw niya bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Iyon naman talaga ang dapat. Once na nagdeklara ka na ng iyong kandidatura, ‘matik na magbitiw ka na rin sa iyong posisyon sa gobyerno. Ito’y upang hindi ka mabanatan sa isyu ng delicadeza at paggamit sa pondo ng bayan sa iyong mga pag-iikot-ikot sa kapuluan ng Filipinas.

Kaya iyong cabinet officials diyan na matunog nang kakandidato sa pagka-senador o bise presidente sa 2016, aba’y magbalot-balot na rin kayo kung ayaw ninyong maisyuhan na ginagamit ninyo ang pera ng bayan sa pag-iikot-ikot cum campaign for your candidacy.

Sino-sino ba ang cabinet officials na pursigidong kumana sa pagka-senador? Sina MMDA Chairman Francis Tolentino, TESDA Director Joel Villanueva at DoJ Sec. Laila de Lima. Ang iba kongresista ang target tulad nina Agriculture Proceso Alcala, etc…

Si Tolentino nga, pupunta lang ng mga probinsiya, gamit pa ang mga behikulo at tao ng MMDA gayong sa Metro Manila lang ang sakop ng trabaho niya. Tuloy… nababatikos siya na ginagamit niya ang pondo ng ahensiya sa kanyang mga pagpaguwapo sa mga lalawigan.

Kaya best example itong ginawa ni Roxas na kaagad nagbitiw sa gobyerno matapos magdeklara ng kanyang kandidatura. Senyales ito nang maayos na lider tulad ng kanyang ama na si late Senador Gerry Roxas, ang bestfriend ni late great Sen. Ninoy Aquino, ang erpat ni PNoy.

Kaya walang asenso ang Pinas…

– Sir Joey, ang sanhi na hindi umuunlad ang bansa ay ang over population at ang katiwalian sa gobyerno. Ang Australia na ika-6 sa pinakamalaking bansa sa mundo na may lawak na 7,686 million square kms. ay may populasyon na 23 milion lamang, samantalang ang Pilipinas na may area  na 299 million sq. kms. ay may 107 million ngayon. Kailangan ng bansa ipatupad kaagad ang RH Law. – 09279426…

Agree ako sa opinion na ito ng ating text. Mabuhay ka, igan!

Brgy. 310 sa Manila puno ng vendors ang court

– Sir Joey, dito po sa Brgy. 310 Zone 31, sa may Oroquita st., Sta. Cruz, Manila, yung court po namin halos vendors na. Dyan na po mismo nagpatayo ng kubo sa gitna ng court lalo na yan si Nida, ginawa na nilang sugalan magdamag. Halos ‘di na natutulog tsaka ginawa na po nilang batakan! Kasi po malakas ang loob nila kasi meron po siyang anak na pulis. Sana makarating po ito kay Mayor Erap at mapaaksiyunan naman niya. Masyado na po kasing nababoy ang lugar namin. – Concerned citizen

Kung totoo ang sumbong na ito, ang barangay chairman ay dapat kumontra sa ganyang klase ng obstruction. Ang court ay para palaruan at hindi para sa vendors. Sa panahon ni Mayor Lim, hindi obra ang ganyang kalokohan!

Tinakbuhan ng nakasagasa na minamaneho ng mga menor de edad

– Sir Joey, isang pedestrian ang nabangga ng humaharurot na REVO #209 XMC na minamaneho ng mga menor de edad na mga sakristan ng Sacred Heart of Jesus ng Don Bosco sa  Paranaque City. Ang biktima tinakbuhan nila. Pari dedma lang, ayaw magpakilala. Paging CBCP. – Concerned citizen

Since nakuha n’yo naman ang plate number ng nakasagasa. Kasuhan ninyo sa LTO o kaya alamin sa LTO kung sino ang may-ari ng sasakyan at kasuhan ninyo sa pulisya.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *