Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hawakan ni Korina ang media ni Mar

EDITORIAL logoDAPAT pangunahan na ni Korina Sanchez ang media group ng kanyang asawang si Interior Sec. Mar Roxas lalo na ngayong binasbasan na ni Pangulong Noynoy Aquino  bilang standard bearer ng Liberal Party (LP).

Hindi na dapat ipagkatiwala ni Korina sa kung sino-sinong pipitsuging media group ang kampanya ni Mar dahil malamang na mapahamak na naman at tuluyang tambakan ni Vice President Jojo Binay sa darating na halalan.

Ilang beses na bang pumalpak sa media si Mar? 

Kung minsan pinagbuhat ng isang sakong bigas.  Andiyan na pinagmando ng trapiko at nagpatakbo rin ng pedicab. At ngayon naman, sa harap ng media, walang tigil sa kaiiyak.

Dapat turuan ni Korina si Mar ng tamang propaganda. Hindi dapat iniaasa ni Korina sa ibang tao ang mga kilos ni Mar lalo na kung haharap sa media.

Sa halip kasing makakuha ng simpatiya si Mar, kinaiinisan lang tuloy ng publiko dahil sa maling advice ng kanyang grupo.

Matagal at mahaba na ang karanasan ni Korina bilang isang mamamahayag. Kayang-kaya niyang ayusin ang imahen ni Mar at tiyak na tatanggapin ito ng publiko.

Asahang habang papalapit ang eleksiyon, marami pang batikos ang tatanggapin ni Mar, pero sabi nga ni Korina… bring it on!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …