Laban ni Ayong Maliksi vs jueteng… i-push mo ‘yan Chairman!
Jerry Yap
August 4, 2015
Opinion
NANINIWALA tayo na ang operation ng National Bureau of Investigation (NBI) base sa sumbong ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Ayong Maliksi ay hindi isang operation pakilala.
Naniniwala ang inyong lingkod na ito ay pagpapatuloy sa inihayag na laban ni dating PSCO chairman Margie Juico laban sa jueteng pero sa hindi malamang dahilan ay wala rin nangyari.
Masasabi nating mabigat na rin ang pinasimulang laban ni Chairman Ayong ngayon dahil pinuruhan niya ang mga area kung saan konsentrado ang jueteng operation ng sinasabing gambling lord na si Bong Pineda.
Matagal nang iminungkahi ni dating chairwoman Juico na palitan na ang pangalan ng Small Town Lottery (STL) sa Loterya ng Bayan.
Ang layunin daw niyan ay upang wakasan ang paggamit ng mga gambling lord sa STL bilang prente ng jueteng lalo sa kanilang mga baluarte.
Nakapagtataka nga naman na pagkarami-raming tumataya sa STL pero kakaunti lang ang pumapasok sa kaban ng PCSO.
Pero sa mismong sistema kasi ng STL ay mayroong nasilip na kahinaan ang mga gambling lord. Kung P10 ang taya sa isang kombinasyong numero sa jueteng ay P3, P5 at pwede pa ngang piso.
Mantakin ninyong ang P10 ay pwedeng 2 hanggang 4 na kombinasyon ng numero?! ‘E ‘di sa jueteng na lang sila tataya?!
Ibig natin sabihin, hindi lamang dapat panghuhuli o pagsalakay sa mga tukoy na kuta ng gambling lords ang dapat gawin ng PCSO.
Kailangan din sigurong ayusin ang sistema mismo ng palaro ng STL at ‘yung mismong prangkisa.
Anyway, alam nating yakang-yakang ni Chairman Ayong ‘yan…
Huwag lang sana siyang masalisihan ng mga mahilig sa oplan pakilala.
Push mo ‘yan Chairman Ayong Maliksi!
Talamak na holdapan sa Puregold Sucat tinutulugan ng Parañaque PCP 3?! (Attention: Gen. Joel Pagdilao)
Matagal nang nakararating sa ating kaalaman ang talamak na operation ng mga miyembro ng salisi gang, bukas-kotse gang, at holdapan diyan sa Puregold Sucat malapit sa Multinational Village.
‘Yang area na ‘yan ay nasa harap mismo ng Parañaque Police Community Precinct (PCP) 3 na pinamumunuan ni C/Insp. Isagani Calacsan.
Hindi natin maintindihan kung bakit napakalakas ng loob ng mga kriminal para riyan pa gumawa ng kriminalidad sa harap ng Parañaque PCP 3.
Bakit nga ba, Major Alacsan ‘este’ Calacsan!?
Aba ‘e tahasang pang-iinsulto na ‘yan sa liderato mo bilang hepe ng PCP 3.
Mantakin ninyong harap-harapang nagsasagawa ng holdap, salisi at bukas-kotse?!
Kulang na lang ipagsigawan na “hoy mga pulis ng PCP 3, mga inutil kayo!”
Gaya na lang noong namataan natin na napakabilis na pangyayari isang alas-5:00 ng hapon nitong nakaraang linggo. Isang dalagita ang mabilis na naholdap. Ganoon lang, nakatakbo agad ang holdaper habang tulala ‘yung dalagita.
Sonabagan!!!
Overstaying Parañaque police chief, S/Supt. Ariel Andrade, ganyan ba ang police visibility sa area mo!?
May pulis para panoorin lang ang tumatakbong holdaper?!
Aba ‘e hindi ganyan ang gusto ni PNP chief, DG Ricardo Marquez?
Aba ‘e baka d’yan magwakas ang karera mo sa Parañaque, Kernel Andrade?!
Pakipasyalan naman ‘yang PCP 3 ninyo Kernel Andrade Sir, at mukhang malakas lang yata sa pagpapahinga sa kanyang opisna si Major Calacsan na specially recommended ni Charlie ‘D Bagman!
Mga hao-shiao kumukumpas na sa BI-Intel? (Alam mo na ba SOJ De Lima?)
Ano naman itong nabalitaan natin na may isang retarded ‘este retired Kernel Kupas ‘este Tupas ang tila unti-unting nagtatayo ng “private army” niya diyan sa Counter Intelligence Unit ng Bureau of Immigration OCOM?
Matapos daw masipa si alias Johnny “extra small” Bravo diyan sa unit na ‘yan ay mukhang ‘yang posisyon na ‘yan ang tinarget nitong si Kernel Tupas para isaksak ang kanyang mga bataan na pawang mga nanggaling umano sa isang security agency.
Aba para palang si Kuya Ipe, “JA-GUAR!?”
Ang siste, pilit daw pinag-o-operate nitong si Kernel Tupak ‘este Tupas ang mga newly hired Ja-guars niya sa Immigration without any valid contract signed by the Honorable Commissioner.
What the fact SOJ Leila De Lima!?
Alam mo bang bawal ang ganyan sistema sa batas, Kernel Tupas?
Nakikita raw itong mga tao niyang ito bitbit ang sariling folders at kasalukuyang nagke-case build-up sa mga foreinger, considering na mga Job Orders lang ang items nila!
May blessing na ba ito ni SOJ Leila De Lima at ni Commissioner Fred ‘pabebe’ Mison, Kernel?
Ano ba ang plano ni Tupas sa BI-CIU at panay ang hire ng mga tao niya riyan?
Since you are already retired from the military service, bakit hindi ka na lang magtayo ng security agency mo at ipasok ‘yang mga bata mo sa mga malls, factories, o maging sa Rizal Park na mas qualified sila.
Nakapagtataka naman kasi itong si Mison dahil pilit pang pinagagana ang CIU gayong ilan na ang pumuwesto riyan pero wala naman nagtagal at lagi na lang nababatbat ng mga issue ang unit na ‘yan sa BI.
Sabi nga ng isang beteranong BI Intel, dapat nga i-dissolve na ang Unit na ‘yan dahil sayang lang ang ipinasusweldo ng Bureau sa mga tao riyan!
VK at shabu nagkalat pa rin sa Tambunting Maynila!
SIR Jerry, NAGKALAT pa rin ang mga demonyo at perhuwisyong video karera dito sa amin sa BRGY. 375. Malaki po yata ang timbre ng mga VK operator sa barangay? Hindi ba nakikita ni Chairman Soriano na parang mga kabuteng dumarami at sumusulpot ang mga makina ng VK dito na karamihan daw po ay kay TAYGURO at pulis? Ang masama pa ho pati shabu dumami ang ngbebenta rito sa amin katabi ng video karera. Tulungan n’yo kami manawagan sa PDEA at city hall sir jerry. +63915633 – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com