Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 tirador ng motorsiklo nalambat

MAGKAKASUNOD na naaresto ng mga awtoridad ang pitong lalaki na sangkot sa mga serye ng pang-aagaw at pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Bulacan.

Ayon kay Insp. Sean Logronio, hepe ng 4th Maneuver Platoon ng PNP Provincial Public Safety Company, ang mga suspek ay kinilalang sina Emmanuel John Sarmiento, Angelo Hagupit, Sherwin Yumul, Wilson Encallado, Joseph Latorza, Roland Badura at Jomar Bernardino, pawang mga residente ng San Jose del Monte City, sa naturang lalawigan.

Nabatid sa ulat, unang sinita sa PNP checkpoint ang riding-in-tandem na si Sarmiento at kasama niyang babae na si Mary Grace Basiwa dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Sa pagsisiyasat, natagpuan sa compartment ng motorsiklo ang ilang piraso ng pick lock, iba’t ibang susi ng motorsiklo at dalawang sachet ng shabu kaya inaresto ang dalawa.

Sa interogasyon, inamin ni Sarmiento na kabilang siya sa grupo ng mga nang-aagaw at nagnanakaw ng motorsiklo kasunod ang pagtuturo sa kuta nila sa Brgy. San Rafael 1, sa naturang lungsod.

Sa follow-up operation ng pulisya, sinalakay ang bahay na itinuro ni Sarmiento at naaktohan ang anim na suspek habang nagsasagawa ng pot session.

Nakompiska mula sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu, drug paraphernalia, limang bala ng caliber .38 revolver, habang sa likurang bahagi ng bahay ay natagpuan ang limang nakaw na motorsiklo, mga piyesa ng sasakyan, iba’t ibang kasangkapan, apat na plaka at iba’t ibang klase ng susi ng motorsiklo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …