DSWD burial assistance tinatiyani pabor sa eksklusibong punerarya!?
Jerry Yap
August 3, 2015
Bulabugin
DAHIL sa pagpabor sa iilan, hindi na tumatanggap ng “Guarantee Letter” mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang mga punerarya sa Metro Manila sa dahilang wala raw pondo lalo na ‘yung mga ipinagkakaloob sa mga kapos-palad nating mga kababayan.
Ito po ang nais ipaabot ng ilang may-ari ng punerarya sa DSWD.
Take note, sikwatary ‘este Secretary Dinky Soliman
Kung nabayaran man umano ang ilang punerarya, inabot muna nang siyam-siyam bago sila nakasingil.
Matindi na po ang reklamong ‘yan ng ilang may-ari ng punerarya sa Metro Manila.
Kung nakukunsumi ang mga may-ari ng punerarya, nagtataka naman ang ilang mambabatas kung bakit natatagalang magbayad ang DSWD sa mga puneraryang nagbibigay ng serbisyo sa pagbuburol at pagpapalibing sa kanilang constituents gayong ang laki ng nakalaang pondo para rito.
Hindi rin malinaw kung bakit o anong nangyayari sa pondong pambayad sa mga punerarya!
Kung panay ang reklamo ng ibang punerarya, mayroon naman daw isang punerarya na hindi kumikibo.
Sa pagtatanong-tanong ng BULABUGIN sa hanay ng ilang taong konektado sa industriyang ito, nabatid natin na may hinala ang ilang may-ari ng punerarya na mayroong isang punerarya na pinapaboran umano ng DSWD.
Take note uli, DSWD sikwatary ‘este’ Secretary Dinky Soliman!
Gaya na lang ng karanasan na naikuwento sa atin. Itinuro umano sila sa KADAMAY. (Hindi klaro kung ano itong KADAMAY, organisasyon ba ito o punerarya?)
Kung idadaan ang request sa KADAMAY para sa funeral services assistance aba’y ma-tulin pa umano sa alas-kuwatro ang pagbibigay ng serbisyo.
‘Yun daw kasi ang awtorisado ng DSWD.
Aba, linawin na agad ‘yan!
‘E kung ang KADAMAY ang kinikilala ng mga punerarya, ano pa ang silbi ng DSWD?!
Ang tanong nga ‘e, magkano ba ang naka-earmark para sa pagpapalibing na nakalagak sa DSWD? Ito ba ay nagamit na ng mga Congressman?
Kung hindi man nagamit ‘e saan napunta?
Sec. Soliman, may exclusive punerarya na ba ang DSWD!?
Pakisagot na nga po, Secretary Dinky!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com