“HINDI ako gumagawa ng moves para makahanap ng manliligaw. I would like to assure everyone na kahit na 38 na ako at may tatlong anak, dalagang Filipina pa rin ako,” ang sabi ni Sunshine Cruz.
Marami kasi ang nagsasabi, sa ayos ni Sunshine sa ngayon, lalo na nga at napapadalas ang labas ng kanyang mga pictorial na sexy, hindi maiiwasang may mga mag-ambisyong manligaw sa kanya, lalo na’t alam naman nila na hiwalay na siya sa kanyang asawa. May mga tsismis ngang mayroong mga nanliligaw sa kanya.
Pero nag-deny si Sunshine at sinabi niyang hindi niya alam kung may nagbabalak pero hindi pa siya tumatanggap ng mga manliligaw sa ngayon, kahit pa sinabi na ng kanyang mga anak na gusto nilang makatagpo na siya ng isang magmamahal sa kanya ng tunay.
“Hindi ko pa naman nakukuha ang annulment ng kasal ko eh,”ang sabi pa ni Sunshine. Kung iisipin mo nga naman, what is the use. Tatanggap siya ng mga manliligaw hindi rin naman siya makapagpapakasal hanggang hindi siya nakakakuha ng annulment, eh ‘di hintayin na muna niya iyon tutal naman tuloy-tuloy ang kanilang proceedings sa korte.
(Ed de Leon)