GAGANAPIN ngayong Biyernes, July 31, 7:00 p.m. ang national grand finals/coronation night ng Mr. & Miss Campus Face 2015 sa Music Museum, Greenhills, San Juan.
Ang mga mananalo ay tatanggap ng P30K each at limited edition crown at ang mga runner-up ay tatanggap din ng cash prizes.
Ang mga guest ay sina Precious Lara Quigaman (Miss International 2005), model/actor Marco Alcaraz, ang Temptation Ladies na pinangungunahan nina Luningningwith Milagring, Ligaya, Jen Miles and Charmz Alovera.
May espesyal na partisipasyon naman ang ultimate male dance group na Campus Macho at may special appearance ang Ms. Campus Face 2010 Karen dela Paz.
Ang host ng event ay si Mark John Gutoman (Mr. Philippines International 2012).
Ang mga sponsor/presentor ay ang Achievers Security Agency Philippines (ASAP), Alert Security Agency, 4M Kreativ Productions.
Ang mga minor sponsor naman ay ang Skin Blend All White, Mega C, KB Products, Aldritz PAU Liniment.
Ang mga regional venue partners ay ang Elizabeth Mall sa Cebu City at Atmosfere Island Hopping and Tours.
Mabibili ang mga tickets sa www.ticketworld.com.ph at sa Music Museum mismo at may discount sa mga estudyante.
Ang proceeds ay mapupunta sa MMCF Foundation, Inc.na tutulong sa mahihirap pero deserving na mga estudyante
Para sa karagdagang detalye ay kontakin lamang sinaMarnie, Foxy, at Ryan sa FB at Instagram account [email protected]