Wednesday , November 20 2024

DOH kontra-bulate muntik maging kontra-buhay!

deworming zamboangaKamakalawa nationwide na inilunsad ang kontra-bulate program ng Department of Health (DoH).

Sabay-sabay po sa buong bansa. Pero ilang minuto pagkatapos nito, mahigit 100 estudyante sa Zamboanga del Norte at iba pang bahagi sa Mindanao ang naospital matapos inumin ang chewable na kontra-bulate.

Anak ng teteng naman talaga!

Ano ba ‘yan, Health Secretary Janette Garin!?

Hindi man lang ba ninyo tiniyak na ligtas ang mga kontra-bulate na ipinadala ninyo para sa mga bata?! Lalo na ‘yung doon sa Mindanao?!

Tiyak na milyon-milyon na naman ang ginastos sa event na ‘yan.

Huwag naman po sanang ikatuwiran na isolated case lang ‘yan.

Mahigit 100 estudyante ‘yan. Dapat nga walang mga insidenteng gaya n’yan.

P’wede ba Secretary Garin, ‘wag naman panay ang pa-cute mo lang sa TV. Ayusin mo naman ang trabaho mo bilang Health Secretary!

Magkano kaya ang ginagastos ninyo riyan sa mga TV Commercial? Bakit hindi na lang i-house-to-house ang mga kampanya ninyo para tiyak na makatatagos lalo na sa mahihirap nating mga kababayan?!

Huwag ‘yang TV networks ang payamanin ninyo! Gamitin ninyo ang pondo ninyo para bawasan kung hindi man tuluyang mawawakasan ang lumalalang malnutrisyon sa mga kabataan.

Paano pa magiging pag-asa ng bayan ang ating mga kabataan kung biktima ng malnutirusyon?!

Uulitin ko lang po Secretary Garin, gamitin nang tama ang pondo ng DoH…

‘Wag sa PAKYU…T!!!      

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *