NAG-PARTY naman agad sa Macau si Chris Brown nang dumating siya roon, matapos ang tatlong araw na pagkaka-hold niya sa Maynila. Pero ang kanyang Canadian promoter, naka-detain sa Bureau of Immigration, dahil sa demanda sa kanya ng Iglesia ni Cristo. Ipade-deport daw ang promoter, ibig sabihin hindi na siya makababalik sa Pilipinas, pero tatapusin muna ang kaso niya sa Iglesia.
In the first place, palagay ba ninyo babalik pa si Chris Brown sa Pilipinas pagkatapos ng nangyari sa kanya rito na nagkaroon ng epekto sa kanyang ginagawang world tour?
Pero nagulat kami sa revelation na iyon. Isipin ninyo, binayaran si Chris Brown ng Maligaya Development Corporation, isang kompanyang affiliated sa Iglesia ni Cristo ng $1-M para mag-perform sa kanilang ipinatayong Arena. Palagay namin kaya sumabit din iyon, hindi talaga pinayagan ng Diyos para mabalik sa mga kapatid ang napakalaking halagang iyon na sa tingin namin, sobra-sobrang ibinayad kay Chris Brown.
HATAWAN – Ed de Leon