Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loveteam nina Richard at Dawn, malakas pa rin ang dating

073015 richard dawn

“SOBRANG thankful po kami sa nangyayari sa aming ganito,” ang sagot ni Dawn Zulueta nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya na hanggang ngayon, tinatangkilik pa rin ng fans ang kanilang love team ni Richard Gomez.

Nakatatawa nga noong press conference ng pelikula nilang The Love Affair, kasi napag-usapan pa pati ang kanilang edad. Totoo naman iyon. Habang ang ibang mga artistang kasing edad nila, o masasabing kasabayan nila noong araw ay nasa supporting roles na lang at ang ginagawa ay mother o father roles na lang, silang dalawa, bida pa rin at love team pa rin.

Siguro nga malaking bagay din naman iyong mahuhusay na pelikula ang nagawa nila noong araw. Natandaan iyon ng fans, at aminin natin wala pa halos nakagagawa ng mga ganoong klaseng pelikula ngayon. Kasi iyong mga pelikula naman nila noon ay talagang ginastusan at pinaganda. Ngayon ang mga pelikula natin ay tinitipid ang paggawa at tinatapos na lang kahit paano. Kaya nga kung napag-uusapan ang mahuhusay na pelikula at mahuhusay na artista, ang naaalala ng mga tao ay sila pa rin.

At saka sabi nga ni Dawn, kasi pinipili naman nila ang kanilang gagawing proyekto. Una silang pinagsamang muli sa isang TV series. Si Goma tuloy-tuloy lang ang career. Si Dawn, medyo tumigil din for some time. That was the time na tinitimbang pa niya kung anong klaseng roles pa ang magagawa niya dahil may asawa na nga siya. Nakagugulat nga, pero matindi ang naging pagtanggap sa kanilang love team sa unang seryeng iyon.

Iyon ang dahilan kung bakit nasundan pa ang kanilang serye, at ngayon ay pinagawa pa nga sila ng pelikula, iyong The Love Affair.

Inamin din naman nila, naunang binuo ang casting ng pelikula bago ang istorya. Kaya nga nagkaroon pa raw sila ng mga meetings kung paano ide-develop ang character ng bawat isa. Nangyayari lang iyan kung talagang ang mga producer, at ang creative staff ay may tiwala sa kanilang mga artista. Siguro nga dahil naniniwala rin naman silang talagang matindi pa sina Richard at Dawn hanggang ngayon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …