‘Kalawit Gang’ strike in Muntinlupa
Mario Alcala
July 30, 2015
Opinion
DAPAT magsagawa ng in-depth investigation ang pamunuan ng Southern Police District Office tungkol sa naiulat na abduction sa isang lugar sa Muntinlupa noong Hulyo 26.
Makalipas ang ilang oras, pinakawalan ng mga abductors ang apat nilang biktima, tatlong babae at isang lalaki sa magkakahiwalay na lugar sa Muntinlupa at sa laguna. Ang pangyayari ay hindi kaagad na monitor ng local PNP ng Muntinlupa.
Sa nakuha nating info, naganap umano ang forcibly abduction sa Estanislao St., sa Lakeview sa Barangay Putatan, Muntinlupa noong 3:30 ng hapon.
Ang Lakeview ay hindi kalayuan sa city hall ng Muntinlupa at sa headquarters ng pulisya.
Sinasabing anim na lalaki na armado ng mga matataas na kalibre ng baril ang nagsagawa ng abduction sa mga biktimang sina Cherry Ann, Jan Carlo, Raquel at Robielyn. Sila ay mga residente sa Exoressview, Villas sa Barangay Putatan, Muntinlupa.
Nang maganap ang abduction, ilang oras ay inabandona daw ng mga armadong kalalakihan sina Raquel at Robielyn malapit sa Cockfit arena sa Cabuyao, Laguna. Sina Cherry Ann at Jan Carlo ay sa ibang lugar iniwanan ng mga kidnaper.
Inaalam pa ng pulisya kung anong uri ng mga sasakyan ang ginamit ng grupo ng Kalawit Gang.
Sa impormasyon kong nakalap si Cherry Ann ay sinasabing common law wife ng isang high profile na convicted na bilanggo na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.
Dumalaw daw si Cherry Ann sa kanyang mahal ilang araw bago naganap ang abduction noong Hulyo 26.
Kung ako ang tatanungin, baka nagbalik na naman ang operasyon ng “Kalawit Gang” na bumibiktima sa mga dumadalaw na preso sa Bilibid.
Ang lakad ng Kalawit Gang ay kikidnapin nila ang kanilang prospective victims. Inaabangan nila ang bibiktimahin sa loob o sa labas ng reservation ng NBP.
Ang habol ng mga walanghiyang suspects, kukuwartahan ang nabiktima. Kapag nakuha na ang demand money, ibabangketa o iiwanan nila sa ibang lugar ang mga kaawa-awang bikitma. Minsan pinapatay pa.
Sa pagkakaalam ko, minsan nang nabuwag ng higher command ng Philippine National Police ang ganitong modus operandi. Natuklasang may active na PNP ang sangkot sa krimen. Mga outsiders sila sa Muntinlupa.
Sana hindi ako magkamali sa aking haka-haka.
Ang insidente ay pinaiimbestigahan na ni Mayor Jaime “JRF” Fresnedi sa local PNP ng Muntinlupa.
Pahaging lang!!! Pasugalan ni Roy sa MPD-4 sa Maynila
MALAKAS daw gabi-gabi ang pasugal na color games na inilagay sa may kanto ng Vicente G. Cruz at Miguelin Streets sa Sampaloc, Maynila na nasa area of jurisdiction ng Manila Police District Station(MPD-4)
Isang Roy ang sinasabing maintainer, capitalista ng sugalan sa teritoryo ng MPD-4.
Naku po!!! MPD director Chief Supt. Rolando Nana, may basbas daw ng taga-MPD 4, ang pasugal ni Roy sa Vicente G. Cruz at Miguelin Streets. May follow up pa.
Sugalan sa iba’t ibang lugar sa Laguna, Batangas
Sa bayan ng Lemery, Batangas, pinagkakaguluhan daw gabi-gabi ng mga addict at sugarol ang sangkatutak na lemesa ng color games na ang gambling maintainers ay sina Aling Nita at Kap. Sonny. Ang bayan ng Lemery ay nasa lower land ng Taal, Batangas.
Sa Barangay San Cristobal sa Calamba, Laguna ang lakas din daw ng pa-color games ni Aling Nene. Alam kaya iyan ni Adrian???
Nabili daw ni Mely ang PNP?
IPINAGMAMALAKI daw ni Aling Mely na hawak na niya ang local na PNP sa bayan ng Barangay Lusacan sa Tiaong, Quezon dahil parami nang parami ang kanyang pasugal na color games sa lugar ni Mayor Preza. Ang perya maintainer na si Aling Mely, ay mahilig rin daw manulot ng iba’t ibang puwesto ng pergalan sa area ng Calabarzon. Inginunguso rin sa ibang national operating unit ang kalaban niyang mga peryahan. Ipinahuhuli pa ale.