HINDI lang malinaw na palabas at karagdagang exclusive channels ang hatid ng ABS-CBN TVplus para sa mga Filipino. Mas malaking papel pa ang gagampanan ng ABS-CBN TVplus sa publiko dala ng emergency broadcast warning system (EBWS) na naka-install sa mahiwagang black box.
Maghahatid ang EWBS ng mga warning message o babala sa subscribers ng ABS-CBN TVplus sa tuwing may sakuna, pati na ang mga bilin kung ano ang dapat gawin kapag mangyari ito.
Para tulungan ang publikong maging handa sakaling tumama ang isang 7.2 magnitude na lindol sa bansa, nakipag-partner ang ABS-CBN TVplus sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa earthquake drill sa buong Metro Manila ngayong Hulyo 30.
Sa drill sa parehong araw, makatatanggap ang ABS-CBN TVplus subscribers ng warning message sa kanilang TV screens at ng karagdagang impormasyon tungkol sa drill.
Ang EWBS ay naka-install sa Japanese standard ng digital television. Madalas na tinatamaan ng mga sakuna ang Japan kaya naman naglunsad na ito ng iba’t ibang paraan at teknolohiya para maging handa ang mga mamamayan nito.