Sunday , December 22 2024

‘Paghamak’ sa alaala ng SAF 44

00 firing line robert roqueANIM na buwan na ang nakalilipas mula nang imasaker ng pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang 44 Special Action Force commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Sino ang mag-aakala na aaprubahan ng Ombudsman ang pagsasagawa ng paunang imbestigasyon at administratibong paglilitis laban sa junior officers, at kahit sa ilang nakaligtas sa madugong bakbakan sa Mamasapano?

Ito ba ang paraan natin ng pagkilala sa kagitingan at katapatan sa tungkulin ng mga bayani nating pulis na nagsakripisyo ng sariling buhay para tuparin ang kanilang misyon?    

Noong Biyernes ay nanawagan si Senator Alan Peter Cayetano kay Senator Grace Poe, pinuno ng “committee on public order and dangerous drugs,” na buksan muli ang pagsisiyasat ng Senado sa enkuwentro sa Mamasapano noong Enero.

Tinukoy ni Cayetano na kapag hindi sumunod sa utos ang isang police officer na kunin “ang teroristang si Usman o Marwan, kakasuhan ng insubordination, Ngayon, sumunod ka pero hindi perfect ang operation at maraming namatay pero nahuli ang terorista, kakasuhan ka pa rin.”

Alalahanin na ang pulisya, tulad din ng militar, ay sumusunod sa “chain of command” sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Kung hindi, sila naman ang mananagot at maaaring makasuhan.

Dapat ba silang imbestigahan sa pagsunod sa utos na nagmula umano sa Pangulo at noon ay suspendidong PNP chief?  Saan puwedeng lumugar ang mga pulis kung ganito ang gagawin sa kanila?

Samantala, ang MILF ay hindi man lang nagsusuko ng kanilang mga tao para maimbestigahan. Sa halip ay sinusuportahan sila ng gobyerno sa pagsusulong ng Bangsamoro Basic Law na magbibigay sa kanila ng kapangyarihang pamunuan ang malawak na bahagi ng Mindanao. 

Hindi ko makita kung nasaan ang “daang matuwid” na sinasabi ni President Aquino sa takbo ng mga pangyayaring ito. Mas pinahahalagahan pa natin ang mga rebelde kaysa mga pulis?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *