Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza at Enrique, muling gagawa ng movie sa Star Cinema

060315 liza enrique

00 fact sheet reggeeNASULAT namin kamakailan na gustong-gusto ng kilalang designer na si Renee Salud ang beauty ng young actress na si Liza Soberano at para sa kanya ay siya lang ang puwedeng sumali sa beauty contest among showbiz stars of today.

Nabanggit pa ni Mama Renee sa nakaraang Carinderia Queen presscon na kung may chance raw ay papayuhan niya si Liza na sumali sa anumang beauty contest at tiyak na panalo ito.

Hiningan namin ng komento ang manager ni Liza na si katotong Ogie Diaz kung may plano nga ba ang alaga niyang sumali sa anumang beauty contest at pasasalihin niya.

“Hindi po, although we thank Mama Renee for betting on Liza to be a contender.

“Busy pa kasi ang bagets, sa mga ganyan (beauty contests), kailangan talaga total commitment, but I must say Liza has what it takes,” mensahe sa amin ni Ogie.

Biniro namin ang katotong Ogie na pang-beauty contest naman ang sagot niya.

Tinanong namin kung anong pinagkakaabalahan ni Liza pagkatapos ng Forevermore serye at Just The Way You Are movie.

“May mga endorsement shoot siya tapos nag-meet lang sila ni Direk Mae Cruz for brainstorming ng movie ulit nila ni Quen (Enrique Gil) na this year din ang playdate,” sabi ng manager ng dalagita.

Wow bongga si Liza kasi katatapos lang halos ipalabas ang pelikula nila ni Enrique ay heto at may kasunod ulit at ngayong taon din ipalalabas?

Mukhang ngayon lang yata mangyayari iyon sa Star Cinema, ah? Tama ba kami Ateng Maricris? (Tama—ED)

Bigla naming naalalala, oo nga, equally busy din ang katotong Ogie dahil sa seryeng Nathaniel bilang sidekick ni Ms Coney Reyes bilang si AVL.

Eh, kailan naman kaya magkakasama sa iisang project sina katotong Ogie at Liza?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …