Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Globe data analyst patay sa 2 holdaper (Ginawang panangga sa parak)

PATAY ang isang 24-anyos data analyst ng Globe Telecommunications, na ginawang panangga ng mga nanloob na akyat-bahay, nang mapalaban sa parak kahapon ng madaling-araw, sa Sampaloc, Maynila.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Jake Ryan Marayag, residente ng 17 Arenas St., Sampaloc, Maynila, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Nabatid na kabilang sa iniimbestigahan ang kamag-anak ng biktima na si PO1 Melvin Benteras, 24, nakatalaga sa District Public Safety Batallion ng San Juan Police, dahil siya ang nakabarilan ng tumakas na mga suspek.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa loob ng inuupahang apartment ng biktima at mga kaanak dakong 12 a.m.

Kakuwentohan ng biktima ang mga kamag-anak na sina PO1 Benteras, Eric Kevin Rodriguez, Gilmar Banguilan, at kapatid ng biktima na si Sara  Jean, 21, nang pasukin ang kanilang bahay ng dalawang suspek at pinadapa silang lahat habang nakatutok ang baril.

Nagdeklara ng holdap ang mga suspek at hiningi ang kanilang cellphones at iba pang gamit ngunit nagtago sa ilalim ng dining table si Sara Jane at PO1 Benteras.

Nang makapasok sa kuwarto ang pulis ay kinuha ang kanyang service firearm. Ngunit pinaputukan siya ng mga suspek kaya gumanti siya ng putok.

Sa puntong tatakas na ang mga suspek, binitbit nila ang biktima at ginawang panangga sa nagpapaputok na si PO1 Benteras.

Nang makalabas ng pintuan ang mga suspek ay binitiwan nila ang biktima ngunit pinagbabaril bago iniwan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung kaninong bala ang tumama sa biktima.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …