Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, may video scandal din daw

071815 Gerald Anderson

TIGILAN na ninyo iyang mga tsismis sa social media tungkol diyan sa mga scandal na iyan. Ang huli namang binibiktima nila ay si Gerald Anderson. Nakita namin ang video, at ano man ang sabihin ninyo hindi si Gerald iyon. Ang laki-laki ng tiyan niyong nasa video, paano ninyong sasabihing si Gerald iyon?

At sa klase ba naman ni Gerald na ganoon ang popularidad, palagay ninyo gagawa pa siya ng mga ganoong bagay na alam niyang makasisira sa kanya? Ang gumagawa lang ng mga ganyan ay iyong mga taong naniniwalang walang mawawala sa kanila, kumalat man iyon. Pero para sa isang sikat na actor, bakit niya iisiping gumawa ng ganoon?

Kung sa bagay, hindi naman bago ang mga ganyang tsismis. Hindi ba noong araw kahit si Ate Vi natsismis na “may betamax”. Hindi ba ang daming natsismis din na may video? Hindi na bago sa pandinig natin ang ganyan.

Ang sinasabi lang namin, may mga taong napakahilig gumawa ng tsismis. Kung nakikita naman ninyo na hindi totoo, bakit kailangan pang ikalat at sabihing duda kayo kung siya nga iyon o hindi? Isa pa, ano ba ang makukuha ninyo kung may fake ngang scandal video si Gerald?

Huwag na hindi kasi may maitsismis lang.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …