Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, malawak na ang kaalaman para sa bayan; ambisyong political, no-no na!

 

072715 Vilma Santos

INAAMIN ni Governor Vilma Santos na may pahiwatig na sa kanya na tumakbo siya para sa mas mataas na posisyon sa 2016. Noon pa naman nababalita na iyan pero ganoon pa rin naman ang kanyang sagot tungkol doon eh, ”I don’t entertain”. Hindi pinapansin ni Ate Vi ang kanilang mga pahiwatig.

Hindi ba noon pa naman nabalita iyan nang sunod-sunod ang dalaw ni VP Binay sa Batangas? Tapos ganoon din nang mapunta kamakailan doon si Secretary Mar Roxas. Noong magpunta sa Batangas si PNoy iyon din ang sinasabing usapan. Pero no pansin namang lahat iyan kay Ate Vi na nagsabing sa ngayon ang priority niya ay ”masigurong magandang matatapos ang term ko bilang governor ng Batangas at matapos na rin iyong pelikula namin ni Angel.”

Ayaw nilang maniwala na hindi na talaga interesado si Ate Vi sa anumang mas mataas na posisyon. Kuntento na siya sa kung ano man ang naabot na niya, after all ano pa nga ba ang kanyang kailangang patunayan. Siya ang kauna-unahang babaeng naging Mayor ng Lipa at naging Governor pa ng Batangas. Sa loob ng ilang taon, binigyan siya ng pinakamataas na karangalan sa public service. Noong nakaraang eleksiyon sinasabing siya ang nakakuha ng pinakamalaking kalamangan sa kanyang nakalaban sa politika. Ano pa ba ang kailangan niyang patunayan?

Marami pang ginagawa si Ate Vi. Noong isang araw nga lang tuwang-tuwa ang broadcaster na si Ted Failon nang makausap niya sa kanyang radio program, at sabihin niyon na napag-aralan na rin niya ang sinasabing mga peligro ng balak na pagmimina sa Lubo, Batangas at sinabi niyang tutol siya roon dahil makasisira iyon ng kalikasan, at makasasama iyon sa mga mamamayan ng bayan, bagamat sinabi niyang ang naisip siguro ng mga namumuno sa bayan ay ang kaunlarang maaaring dalhin niyon sa bayan nila. Pero si Ate Vi nga, ang pananaw niya ay mas malawak. Tinintingnan niya kung ano ang mangyayari sa pagdating pa ng panahon. Panay ang palakpak ni Failon, at nakatutuwang isipin, si Ate Vi na natatanong lang ng kung ano-ano noong araw basta ini-interview siya sa showbiz, ganoon na pala kalawak ang talino sa ngayon. Pero wala na siyang ambisyong politikal ha.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …