Iba ka talaga Mayor Edwin Olivarez!
Rex Cayanong
July 25, 2015
Opinion
ISA na namang pagkilala at papuri ang iginawad sa lungsod ng Parañaque ng National Competitiveness Council (NCC) nitong nagdaang Biyernes sa PICC.
Hinirang ang nasabing siyudad ng idol nating si Mayor Edwin Olivarez bilang 7th most competitive city sa buong bansa.
Ang pinakahuling award na ito ay bilang pagkilala sa hindi matatawarang pag-unlad ng siyudad sa ilalim ng masinop na paggabay at pamamahala ng dynamic local executive na si Olivarez.
Sa ilalim ng liderato ni Olivarez, nagawa nitong maiangat ang ekonomiya ng Parañaque sa ‘level’ na maikokompara sa mga most progressive cities in the country like Makati and the rest.
Napanatili naman ng Parañaque ang top 3 rankings nito sa buong Filipinas sa Economic Dynamism category ng Competitive Index.
Noong 2014, nakopo rin ng Parañaque City ang 10th place as most competitive city sa buong bansa at ngayon taong ito (2015), umakyat pa hanggang tatlong bahagdan ang pagkakamit sa ibayo pang kaunlaran.
Matindi ang pagsisikap hindi lamang ni Mayor Olivarez kundi ng kanyang buong ‘economic team’ sa pamumuno ng mabait at matalinong hepe ng Business Permits & Licensing Office (BPLO), Atty. Melanie Malaya para makamit ang tinatamasang tagumpay at kaunlaran na bahagi ng vision ng mabunying ama ng lungsod.
“Parañaque’s economic surge is mostly in part due to the efficient tax and revenue collections, as well as the increase in the number of business locators during the past two years under Olivarez’s administration which now numbering to 20,000 establishments.
Parañaque is home to the Entertainment City, a mixed use complex along Manila Bay that features world-class casinos, hotels, shopping malls and leisure destinations, theaters and marinas among others. The city is developing it as its new Central Business District.
“Commercial developments here and in other parts of the city particularly in the SLEX and Sucat areas are attracting more investors who are eager to take advantage of increasing tourist traffic both domestic and international.
Parañaque also plays host to the country’s premier gateway, the Ninoy Aquino International Airport,” masaya at may pagmamalaking pahayag ni Atty. Malaya.
Congrats Mayor Olivarez sir!
Iba ka talaga idol.
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email [email protected]