Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Go, ang Mother Lily ng Indie Films!

072415 Baby go matteo

00 Alam mo na NonieNGUMINGITI lang si Ms. Baby Go kapag sinasabihang siya ang version ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films pagdating sa paggawa ng indie films.

Si Ms. Baby ang big boss ng BG Productions International na marami nang nagawang award winning indie films. Kabilang sa mga pelikula nila ang  Lihis,  Lauriana,  Bigkis,  at  Homeless. Lahat ito ay makabuluhan at may hatid na aral sa viewers.

Incidentally, ang Homeless na tinatampukan nina Ejay Falcon, Martin del Rosario, Snooky Serna, Dimples Romana, at iba pa, mula sa direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tan ay magkakaroon ng special screening sa August 9, 2015, Sunday, 6 pm sa Robinsons Galeria Cinema-1. Ang pelikula ay ukol sa typhoon survivor na naging biktima ng human trafficking sa Manila. For ticket inquiry, pls contact Katya at 0915-403-5426)

Natapos na rin ng BG Productions ang Child Haus na ukol sa mga kabataang may cancer. Patapos na rin ang Tupang Ligaw, isang action-drama na mula sa pamamahala ng komiks novelist na si Rod Santiago. Tinatampukan ito ni Matteo Guidicelli, Ara Mina, Paolo Contis, Rico Barrera, at iba pa.

Tinatapos na rin ng BG Productions ang Iadya Mo Kami at Sekyu na kapwa pinagbibidahan ni Allen Dizon. Kasama ni Allen sa Iadya Mo Kami sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, at Diana Zubiri. Sa Sekyu naman ay kabituin ng morenong aktor sina Sunshine Dizon, Melai Cantiveros, Kiko Matos, at iba pa. Tinatapos na rin ni Direk Louie Ignacio ang Mga Isda Sa Tuyong Lupa at naka-line-up na rin sa project ng BG Productions ang Tres Marias, na ukol naman sa nga batang nabuntis sa murang edad dahil sa kahirapan.

Bukod sa pagmamahal sa pelikula, si Ms. Baby ay isang successful na real estate broker. Ayon sa kanya, gusto niyang makatulong sa movie industry at masaya siya sa ginagawang ito.

“Happy ako kapag nakakagawa ng makabuluhang movies. Challenge sa akin ito, bukod pa roon, nakapagbibigay tayo ng work sa mga taga-industriya e.

“Nakita ko rin na humihina ang movie industry, kaya gusto kong makatulong na buhayin ito. Gusto kong i-try palakihin ulit at ibalik sa dati itong showbiz industry,” saad pa niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …