Friday , November 15 2024

Wishlist ni “Sir Tsip” Pagdilao sa SONA

00 aksyon almarSTATE of the Nation Address (SONA) na naman!

Haharap na naman sa pagbubukas ng Kongreso si PNoy para ilahad ang mga naging pagbabago sa bansa sa loob ng isang taon, mula nang huling inilatag ang mga plataporma at mga update sa huling SONA.

Sa Hulyo 27, 2015, ilalatag ni PNoy ang pinakahuli niyang report card sa tunay niyang mga Boss daw.

Mamumutawi na naman sa mga labi natin ang laman ng wish list ng bayan. Para kay ACT-CIS Partylist Rep.Samuel “SIR TSIP” Pagdilao, kasama ng pagsaludo sa mga parangal at mga napagtagumpayan ng Aquino Administration ang paglalatag ng mga nais nating marinig mula sa SONA ni PNoy nitong darating na Hulyo 27. 

Hiling ng dating CIDG Chief, maging prayoridad ang PNP Modernization and Reorganization Bill at ang pagpapatupad ng AFP Modernization Act. Kaakibat na aksyonan agad ang pagpapatibay ng sandatahang lakas, para sa pagtatanggol ng ating kasarinlan laban sa mga nagtatangkang manghimasok at pumukaw sa ano mang alitang teritoryal; gayondin ang ating pulisya, para sa pananatili ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

Maipahiwatig sana ng Pangulo ang paghamon sa bagong PNP chief para sa mabisang pagpapatupad ng batas, at ng pagpapaalala na manatili itong matatag sa gitna ng kontrobersiya at pagsubok na kalakip ng kanyang puwesto. Kakabit din ng mga programang ito ang agarang pagresolba sa problema ng retirees’ pension ng AFP at PNP. Hanggang ngayon ay marami pa rin hindi nakatitikim ng benepisyong karapat-dapat nilang makuha.

Mahalagang  gamitin ng Pangulo ang pagkakataong ito upang maitanim sa bawat mamamayan ang diwa ng nasyonalismo sa pamamagitan ng paglalahad ng makatotohanang kalagayan ng sigalot sa pagitan ng Filipinas at ng China sa isyu ng hurisdiksyon sa West Philippine Sea. Naging matunog din ang ilang intriga matapos i-”reprioritize” ng AFP ang pondo para sa Modernization Program nito sa pamamagitan ng pagbili ng maanomalyang kagamitan at pakikipagkontrata ng mga opisyal kapalit ng komisyon. Imbes maging larawan ng progresibong sandatahang lakas ang Filipinas, tila ba paatras ang martsa ng magigiting na sundalo. Kailangan gawing prayoridad ang pagsasatupad ng mga programa laban sa panghihimasok ng mga dayuhan at sa pagpapanitili ng integridad ng pambansang teritoryo sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kakayahan ng ating sandatahang lakas.

Nais marinig ng Kongresista ang paglalatag ng malinaw na estratehiya ng gobyerno para tuluyang pabagalin ang patuloy na tumataas na bilang ng kriminalidad.

Ayon sa isang survey, nakasama sa Top 30 ang Filipinas sa mga bansang may pinakamataas na kriminalidad sa buong mundo. Ano naman kaya ang plano ng Pangulo para matugunan ang pangangailangan para mapanatili ang ating kapayapaan at kaayusan?

Sa nalalapit na eleksyon sa 2016, panawagan din ni Sir Tsip na tiyakin ng administrasyon ang pagkakaroon ng mapayapa, tapat, at marangal na halalan, na siyang magpapahayag ng tunay na boto ng taumbayan.

Magkaroon sana ng pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat ng mga tatakbo.

Naglipana na rin ang kaliwa’t kanang kontrobersiya sa estado ng transportasyon sa bansa. Nariyan ang madalas na pagtirik ng MRT sa kabila ng pagtataas ng singil ng pasahe.

Isa pang hirit ni Sir Tsip nais niyang marinig sa SONA ang programa sa pagsugpo ng problema ng droga. Ngayong nalalapit na ang eleksyon, mataas ang posibilidad ng “narco-politics.”

Sa datos ng PDEA noong 2014, pumatak sa 190 katao mula sa gobyerno ang nahuli sa kaso ng droga.

Sa huling SONA, ihayag na sana ni PNoy ang aktwal na larawan ng estado ng bansa. May isang taon pa para maipagpatuloy ang magandang simulain, at may isang taon pa para maituwid ang mga naging pagkakamali.

Hindi pa huli ang lahat, hindi pa panahon para tayo ay sumuko sa pakikinig at pakikiisa sa pagkilos tungo sa kaunlaran ng ating bayan!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *