Sunday , December 22 2024

One Dream networking group kinasuhan

KINASUHAN ng syndicated estafa sa Department of Justice (DoJ) ang mga opisyal ng One Dream Marketing, networking company sa Batangas na inaakusahang sangkot sa investment scam.

Kasama sa mga inireklamo ng 15 investor o nabiktima ng kompanya, sina Arnel Gacer, president/CEO; Jobelle de Guzman, vice president; incorporators na sina Ariel Gacer, Richard Ramos, at Jay-Ar De Guzman; mga miyembro ng Management Team na sina Marlon De Guzman, Judith Itoh, Jun De Guzman, Lui De Guzman, Linda De Guzman at Joel De Guzman.

Nagsimula ang operasyon ng kompanya halos dalawang buwan na ang nakalilipas ngunit noong Hulyo 11, 2015, nagulat ang mga investor nang biglang huminto ang operasyon ng kompanya.

Nagsara ang kompanya dahil hindi na nakababayad sa pangakong cash-out sa mga investor na 10 percent return of investment kada araw o 300 percent na buwanang tubo.

Batay sa Articles of Incorporation ng One Dream, ito ay rehistrado para magbenta ng iba’t ibang goods ngunit hindi ng investment products.

Samantala, dumulog na rin sa DOJ ang ay iba pang nabiktima ng kompanya.

Ang mga biktima na kinabibilangan ng 20 investor mula sa Metro Manila ay nagpasok ng investment sa One Dream sa pamamagitan ng sangay nito sa Lungsod ng Quezon.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *