Friday , December 27 2024

Nakaimbudo ang matatalas sa pitsa sa Region 4-A

CRIME BUSTER LOGOPINASOK pala ng matatalas sa pitsa ang command ng PNP Region 4-A kaya biglang nagkagulo at nag-iiyakan ang mga player ng 1602.

May isang linggo na raw nakapasok sa bakuran ng PNP region 4-A ang grupo ng “kamikaze” na ang nagbukas ng pintuan ay si G. Assuncion, alias Atty. de bogus.

Nang makapasok si Atty. de bogus, parang kidlat daw nitong ipinawalis at tinanggalan ng pakpak ang mga lumang nakaaalam sa mga pinagkukunan ng kayamanan. Wala naman daw magawa ang kanyang pinsang heneral kundi sundin ang ‘basbas’ ng bagong pinagkakatiwalaan.

Para maangkin ang buong kayamanan na nalilikom sa buong area ng Calabarzon sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon, ang ginawa daw ng mautak na katiwala, nag-recruit ng mas matatalas na orbitero de tong collectors.

May nanggaling sa Region 4-A at may nanggaling sa holding center ng PNP sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. Kahit ipagtanong pa kina Ryan Batangueño ng Rosario, Batangas at kay Tony Bilyakort na miyembro ng 15-30 sa NCR.

Kompletong-kompleto na rin daw ang line-up ng grupo ng mga ‘embudo.’ Malaki rin daw ang papel ni Moli sa panibagong kalakaran ng mga ‘padulas’ sa R-4-A. Sa kanya muna nagre-report si Ryan. He he he!!! Parang customs, may komisyoner at may finance officer.

Kung kay Tony Bilyakort na assigned sa pangongolekta ng weekly tong de pitsa na makakabig sa mga player ng 1602 mula sa lower at upper land area ng lalawigan ng Cavite at Rizal, kay W. Maligaya naman ipinagkatiwala ang lalawigan ng Batangas. Ang collection sa  lalawigan ng Laguna, masuwerteng nakuha at napasakamay ni lespu Oruga.

Kung ipala-lifestyle ng command ng PNP ang anino ni Ryan Batangueño, baka mas mayaman pa siya sa mga bossing niyang pinaglilingkuran. Mantakin mong malalaking command ng pulisya ang ipinangongolekta niya ng padulas de pitsa.

Ang CIDG-Crame, ang OIS ng SILG at R4-A. For your eyes only SILG Sec. Mar Roxas, Gen. Magalong.

Sa laki ng naiipong kayamanan sa R4-A, ito ang maaaring ugat kung bakit pinag-aagawan ng matatalas. Para ma-cover-up nila ang malaking overhead sa padulas, pinataas pa raw ng nakabili ang weekly-tara-intelehensiya.

Naku po!!! Mula sa Quezon City hanggang Calabarzon, bakit kaya hindi maiwan-iwan ni manong ang  kanyang insan???

Ang CALABARZON ay punong-puno ng 1602, ang malawak na operasyon ng STL jueteng, lotteng bookies, video karera machines, perya-sugalan, paihi ng krudo, gasolina at LPG.

Congrats pala sa bagong PNP chief, kay director general Ricardo Marquez

Munti Health Dept inspects food safety in schools

IN the alarming cases of food poisoning in the country, Mayor Jaime Fresnedi directed Muntinlupa City health officers to review food safety in the city, particularly in schools and populated areas and ordered CHO to conducts inspections in school canteens to ensure safety on food handling for the public.

City Health Officer Dra. Magdalena Meana said teams were sent to various schools to administer assessments on food preparation and check out sanitary and health permits.

Meana said CHO will augment food safety campaign and enforcement of food safety regulations. She added that their team also eyes the food handling of ambulant vendors near school premises as it poses risks in consumers’ health.

According to CHO, preparation in streets may incur greater potential in violating hygiene standards contaminating the food which can cause diseases.

Meana instructed locals to take extra precaution and check expiration dates of food products. The City Health Officer also encouraged students to buy products fortified with vitamins such as noodles and biscuits.

In coordination with the Department of Education, CHO also examines schools’ adherence to no-junk food policy and stores in school’s proximity observance of the 50 meters ban of cigarette vending.

   Mayor Fresnedi urged parents to be vigilant in the food consumption of their children and advised that they personally, if possible, give their children’s own food provision.

Pasugalan ni Baby sa Calamba

UMAARANGKADA na naman daw ang perya-sugalan ni Aling Baby P., sa Calamba City, Laguna.

Tigtatatlong mesa ng color games at tig-isang mesa drop ball ang ipinalatag ni Aling Baby sa Save More sa Barangay Parian at sa SM Calamba sa poblacion.

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *