LUMIKHA ng pangamba sa mga pasahero ang pagliyab ng kanilang sinakyang bus sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEx) sa Bicutan kahapon ng umaga sa lungsod ng Taguig .
Base sa inisyal report ng pulisya, nagsimulang magliyab ang apoy sa Dela Rosa Transit Bus (TYM 248) dakong 9:50 a.m. kahapon.
Walang nasaktan sa mga pasahero nang makababa agad sila ngunit nagdulot ito nang pagkataranta sa kanila.
Halos umabot ng 20 minuto ang apoy sa naturang bus bago tuluyan naapula.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng pulisya ang pinagmulan ng apoy sa bus. Inilagay na sa impounding area ang naturang bus.
Habang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus na hindi tinukoy ang pagkakakilalan.
Jaja Garcia