Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trike driver niratrat ng holdaper

SUGATAN ang isang tricycle driver makaraan barilin ng holdaper sa Lantana St., Immaculate Concepcion sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa QCPD Station 10, tatlong hindi nakilalang lalaking sakay ng itim na motorsiklo ang sumalubong sa tricycle ni Jonathan Francisco.

Bigla na lamang binaril ng isa sa mga suspek ang biktima, habang hinila ng mga kasamahan ng holdaper ang bag ng mga pasaherong sina Cherry Pie at Cherry Ann Alegonza.

Nagpaputok pa sa ere ang mga suspek bago tumakas.

Isinugod ang tricycle driver sa East Avenue Medical Center at ngayo’y nasa mabuti nang kalagayan.

Aabot sa P50,000 halaga ang natangay ng tatlong suspek sa mga biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …