Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayaw ni Grace kay Mar

SI Sen. Grace Poe ay tatakbong presidente sa darating na halalan sa 2016. 

At kahit na magpabale-balentong pa si Pangulong Noynoy Aquino sa harap ni Grace, hindi na magbabago ang isip niya sa planong pagtakbo bilang pangulo.

Kung inaakala ni PNoy na mabobola niya si Grace, nagkakamali siya. Kaya lang pinapatulan ni Grace  ang mga imbitasyon sa kanya ni PNoy sa Malacañang ay para makakuha ng magandang pabor at magamit niya sa nakatakdang eleksiyon.

Hindi mangyayaring tumakbong pangalawang pangulo si Grace at maging running mate lang siya ni Interior Sec. Mar Roxas.  Sarado na ang isip ni Grace at ang gusto niyang maging running mate ay si Sen. Chiz Escudero.

Pinakamalas na yatang tao sa buong mundo itong si Mar.  Bukod sa laging semplang sa mga survey, ngayon naman ay ayaw sa kanya ni Grace.  Walang mapaglalagyan si Mar at parang tsinutsubibo pa siya ng kanyang best friend na si PNoy.

Kung tutuusin mas gusto talaga ni PNoy na maging standard bearer si Grace at hindi si Mar dahil sa usapin ng winnability. Ilalampso lang kasi ni Vice President Jojo Binay si Mar kung maghaharap sila nang one-on-one sa darating na eleksiyon.

Kaya nga ang swerte talaga ng kumag na si Chiz. Walang kahirap-hirap at ngayon malamang na maging bise presidente pa ng Pilipinas.  Kailan kaya magigising ang pamilyang Poe sa ginagawang pambobola sa kanila ni Chiz?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …