Sunday , December 22 2024

Admin case vs 5 pulis sa rubout sinimulan na

KINOMPIRMA ng pambansang pulisya na sinisimulan na ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) ang pagdinig sa kaso ng limang pulis na sangkot sa pagpatay sa isang tricycle driver sa bahagi ng Sampaloc, Manila.

Ayon kay PNP-PIO chief, Police Chief Supt. Wilben Mayor, sinisimulan na ng IAS ang pag-imbestiga hinggil sa kaso ng limang pulis.

Bukod sa kasong administratibo, nahaharap din sa kasong kriminal sina Senior Inspector Rommel Salazar, hepe ng Gulod Police precinct; PO3 Ferdinand Galera; PO1 Ronald Depasina, PO1 Roel Landrito, at PO1 Jomar Nandoy.

Sinabi ni Mayor, kanilang titiyakin na mananagot ang nasabing mga pulis kapag napatunayang nagkasala sila.

Pahayag ni Mayor, kabilang sa prayoridad ng PNP chief na manumbalik ang tiwala ng komunidad sa mga pulis.

Samantala, una nang tiniyak ni PNP chief, Police Director General Ricardo Marquez, nakangingitngit na marinig na may mga pulis na tiwali kaya’t sinigurado niya na may kalalagyan ang mga pulis na lumilihis ng landas.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *