Thursday , December 26 2024

Calabarzon punong -puno ng iligalista

ILANG buwan nang may bagong namumuno sa command ng Philippine National Police sa region 4-A na sumasakop sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Pero ang mga iligalista ng 1602, tulad ng mga peryahan na may sugalan, operasyon ng video karera machines (VK), sindikato sa paihi ng krudo, gasolina, LPG, tupada, beto-beto, mga inilalatag na saklaan (Baklay) sa loob ng sabungan, bookies ng STL jueteng, loteng bookies ay hindi kayang kontrolin ng kapulisan sa Calabarzon. Kahit itanong pa kay Jong V., ng Batangas PNP.

Naagaw na rin kaya kay Jong V., ang tinapay??? Iyan ang ating aalamin.

Kung mga palatag ng perya na may mga sugalan ng color games, dropballs, card games ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa grupo nina Aling Mely, Yolly, Solo, Boylife, Ivy, Aling Baby P., Dona T., ng San Pablo City, Marte, Malou, Boknoy, Kap. Roy A., at Jessica. Kasama sila sa mga bigtime na capitalista ng mga perya de sugalan sa area ng Batangas, Laguna, Cavite, Quezon at Rizal.

Ang mga perya de sugalan sa area ng Calabarzon ay wala nang alisan. Palipat-lipat lamang sila ng lugar. Ang latagan nila ay sa mga barangay o di kaya ay sa mga poblacion o bayan. Isang malaking racket ang perya de sugalan. Isa itong uri ng crooked gambling na ang mananaya ay walang “kapana-panalo!” Dinaraya ng mga hustlers na peryantes. Ang mga capitalista ang yumayaman.

Sa Barangay Lusacan sa bayan ng Tiaong, Quezon, over-staying na ang perya sugalan ni Aling Mely na may 10 lamesa.

Dahil kontrolado na nang mga iligalista ang kapulisan, hindi na sila puwedeng pumalag o manghuli. Manghuli man sila ng mga iligalista ay bodabil o huling “for the records only.”

Naku po!!! Papaano kaya makakagalaw ang hepe ng R-2 sa Region 4-A??? Papaano Supt. Elmer Bartolome???

Oppss, Sino kaya si alias Atty. Assuncion na siya raw ngayon ang siga sa headquarters ng PNP sa Region 4-A sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.

Teka, mas lumawak pa raw ngayon ang gambling network ni alias “TOCE” sa Laguna kahit na napaghuhuli kamakailan ng PNP-Task Force Tugis ang ilang kasahan ng taya sa laguna. May kabuntot pa . . !

New rooms inaugurated in Munti Elem. School

ADDITIONAL  classrooms were added to Victoria Homes Elementary School in Barangay Tunasan in Muntinlupa last July 15, which set to accommodate growing number of enrollees in the school.

The new constructed facility is supplemental to the four-storey JRF Building which currently houses Grade 5 students.

Muntinlupa Congressman Rodolfo Biazon and Mayor Jaime Fresnedi led the inauguration of the two additional classrooms and a function hall in VHES.

Fresnedi said the classrooms constructed hope to provide young students with a conducive environment in facilitating an improved learning experience.

VHES Principal Gina Orquia expressed her gratitude to the local government of Muntinlupa and Office of the Congressman for their support to the rehabilitation and expansion of school facilities.

According to Muntinlupa Engineering Department, the construction of new facilities in VHES amounted to 8.2 million pesos and was completed on June 2015.

Other officials enjoining the event were Schools Division Superintendent Dr. Mauro de Gulan, Chairman of Committee on Education Councilor Stephanie Teves, Councilors Raul Corro, Pat Boncayao Jr., Louie Arciaga, Bal Niefes, and Engineering Department chief Engr. Josie Barrion.

Fresnedi administration gives full-pledged support to the education sector through infrastructure projects and educational financial assistance.

Iyan sina Congressman Pong Biazon at Mayor Fresnedi, the best sa public service sa bayan ng Muntinlupa.

Parting Shot

NATUWA ako ng makita ko ang mag-asawang Arlene at Boy Par, ang magmamanok na sina Norman at Lando at ang the best na si Pepe Dimaranan. Mga tunay silang kaibigan at kasama. Maraming salamat po.

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *