It takes a superman like Bert Lina to reform BOC
Rex Cayanong
July 18, 2015
Opinion
Tinalikuran ni Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina ang kayang vast business empire ng dahil lamang sa pakiusap ng isang matalik na kaibigan.
Si Lina na nagmamay-ari ng labing walong (18) mauunlad na kumpanya, isa na nga dito ay ang AIR 21 ay nangailangang isakripisyo ang mga ito at ibenta kahit pa nga kumikita ng malaki para makapagserbisyo sa bayan gaya ng paki-usap ng kanyang kaibigang si Pangulong Be-nigno Simeon Aquino III.
Hinirang si Lina ni Aquino para halinhinan si dating Customs Commissioner Sunny Sevilla at paunlarin pa ang mga nasimulan na ni Sevilla sa Aduana.
Anim namang mga kumpanya na direktang may mga transakyones sa BOC ang kinakaila-ngang i-let go ng negosyanteng si Lina ng kanyang pamilya for delicadeza.
At his point in time, ang pagsalo ni Mr. Lina sa BOC ay hindi birong katungkulan na masa-sabing isang malaking hamon sa tunay na kaka-yanan ng pinagkatiwalaan ni Pangulong Aquino.
Hindi rin biro ang bitawan at talikuran ang isang business congromerate na kumikita ng mil-yones araw-araw at ipalit ang kontrobersial at isang much lower paying job.
Para kay Bert Lina, isa itong malaking sakri-pisyo para sa bayan at mamamayan.
Isa rin itong pagkilala sa tunay na pagkakaibigan.
Layon ni Mr. Bert Lina na hindi lamang ma-tulungan ang papatapos na administrasyon ni PNoykundi mag-iwan ng ‘legacy’ sa kasaysa-yan ng kanyang career.
Ang pagtimon sa mga gawain ng BOC ay isang malaking hamon kay Lina. Sa katunayan, hindi pa gaanong nag-iinit ang puwet ng mama sa kanyang posisyon, kaliwa’t kanang banat na agad ang sumalubong dito.
Of course, these things are really expected.Marami kasi ang naglalaway sa juicy position na napunta kay Lina.
Andiyan pa ang mga tinaguriang ‘players’ (smugglers) sa BOC na’ will move heaven and earth’ ‘wag lamang masadkahan ang kanilang interes at delihensiya.
Kasama sa malaking problema ni Lina ay kung paano madidisiplina ang mga dinatnang opisyales at kawani ng Aduna na nahirati sa hindi magandang pag-uugali at kapritso.
Tradisyunal na kalakaran sa ahensiyang namana ni Lina na literal na mamumulot ka na lamang ng pera.
There is money everywhere. Kahit ordinar-yong janitor ng BOC ay kayang kumita ng libong piso on a daily basis sa dami ng delihensiyang nagkalat. Bawat minuto sa Customs ay maiku-kumpara sa metro ng taxi, bawat kibot, puma-patak!
Batid ito ni Lina kaya hindi lamang ilang araw at gabi itong nagsunog ng kilay at nagsagawa ng mga pag-aaral para magamit na sandata sa pagpapatupad ng mga pagbabago.
Malaki ang tiwala ni Pangulong Aquino sa kakayanan ng tinaguriang business genius na siLina. Sa estado nito sa buhay at sa business community, imposible itong matukso sa talamak na corruption sa kanyang bakuran.
Posibleng bilyones na ang networth ni Lina na masasabing ‘made’ na as a person and as a career man.
Hindi nito kailaman hahayaang masira ang kanyang pangalan at pangalan ng kanyang pa-milya sa isyu ng corruption.
Sa puntong ito, malinaw na tama ang pag-hirang ni PNoy kay Boss Bert na pamunuan ang pinakamahalagang sangay ng ating pamahalaan kung saan lumalabas at pumapasok ang mga exports at imports sa ating kalakalan.
Ang pagpapatupad ng tama at parehas na pagbubuwis sa lahat ng mga ito nang hindi nahahaluan ng ‘monkey business ‘ay pawang nakaatang sa ‘broad shoulders ‘ng commissioner.
It takes a superman para sa gawaing ito and BERT LINA indeed is a superman in his own right. Marami nang napatunayan ang mama.
Let us give Mr. Lina time to settle down and we are pretty sure, na magagawa nito ang lahat ng inaasahan ng ating Pangulong Aquino mula sa mama.
Sa mga unang araw ni Mr. Lina sa BOC, pinatunayan nito na hindi lamang siya brilliant at clever bilang negosyante at administrador, may ‘bayag’ din itong bumangga kahit kanino man sa pagpapatupad ng kanyang mga reform agenda; kasama na dito ang pagdedesiplina sa kanyang mga wala sa ayos na mga opisyal at tauhan
We think Commissiopner Lina is well prepared for the job.
Makikita naman natin sa kanyang mga mata ang apoy ng determinasyon at katapatan na tuparin ang iniatang na responsibilidad ng Malacanang.
We wish Commissioner Lina all the luck. Batid natin na in due time, mapapatunayan nito sa lahat na kayang niyang gawin ang mga imposible kasama na dito ang reporma sa isa sa masasabing most corrupt agency ng ating pa-mahalaan.
Mabuhay ka Boss Bert and God Speed!
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]