Sunday , December 22 2024

Seizure ‘di heart condition — Honrado (Kaya nag-indefinite leave)

INIHAYAG ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado sa mga mamamahayag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at sa airport officials at personnel, sa pamamagitan ng press release ng MIAA Media Affairs Department (MAD), na siya ay nasa stable condition makaraan dumanas ng seizure nitong Hunyo 28, 2015 habang nasa kanyang opisina.

Si Honrado ay iniulat na naghain ng emergency leave bunsod ng kalagayan ng kalusugan nitong nakaraang linggo ngunit nitong Hulyo 15 lamang iniulat sa mga pahayagan, telebisyon at radyo.

Si Honrado ay sumailalim sa tatlong major bypass operations sa St. Lukes hospital bago ang Semana Santa nitong nakaraang taon at bumalik sa trabaho makaraan ang tatlong linggo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Honrado na nais niyang linawin na hindi siya dumanas ng atake sa puso. Ang kanyang seizure gayonpaman, ay wala aniyang kaugnayan sa kanyang heart bypass.

Ayon sa kanyang medical tests, ang kanyang puso ay nasa perpektong kondisyon at malakas, ayon sa press release. Sinabi ni Honrado, ipinaliwanag ng kanyang neurologist na ang naganap na seizure ay resulta ng nakaraang trauma.

Ikinonsidera ni Honrado ang dalawang posibleng traumatic experiences: helicopter crash sa 1978 o stoning incident noong 2013. Sanhi ng tail rotor failure, bumagsak ang pinalilipad na helicopter ni Honrado sa Cavite noong 1978.

Nagawang makalangoy ni Honrando makaraan ang insidente at nakaligtas sa sakuna. Sa kabilang dako, tinamaan ng malaking bato sa ulo si Honrado nang batuhin ang kanyang sasakyan habang dumaraan sa North Luzon Expressway noong 2013. Pumasok ang bato sa windshield at tinamaan sa ulo si Honrado na nakaupo sa passenger seat.

“Trauma results in scars in the brain tissue which,” ayon sa neurologist, na maaaring maging dormant nang matagal.

“These can be triggered as delayed reactions by present events.”

Sinabi ni Honrado, nanatili siya ng isang linggo sa ospital makaraan ang dinanas na seizure. Pagkaraan ay isang linggo siyang nagpagaling sa kanilang bahay. Samantala, siya ay na-diagnose na may nagaganap na bleeding gastric ulcer makaraan ang medical check-up nitong nakaraang weekend. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *