Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol, 5-anyos kuya tostado sa sunog (Natagpuang magkayakap)

KORONADAL CITY – Dalawang paslit ang namatay sa sunog sa Prk. Lower Libertad, Brgy. Topland, Koronadal City kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang si Icy Atubang, isang taon gulang, at kapatid niyang si John Fritz Atubang, 5-anyos.

Ayon sa ama ng mga biktima na si Arnel Atubang, naglilinis siya ng garden na 30 metro ang layo sa kanilang bahay nang mangyari ang sunog.

Bago aniya nangyari ang insidente, iniwan niyang tulog sa duyan ang kanyang bunso habang naglalaro ang kanyang dalawang anak na 5-anyos at 3-anyos.

Maaaring naglaro aniya ng kandila ang 3-anyos anak na naging dahilan ng sunog ngunit masuwerteng nakaligtas.

Natusta sa sunog ang kanyang dalawang anak nang subukan ni John Fritz na iligtas ang kanyang bunsong kapatid.

Nang maapula ang sunog, nakitang nakayakap si John Fritz sa nakababatang kapatid na tila sinubukang protektahan ngunit hindi sila nakaligtas at nilamon ng apoy kasama ng bahay.

Napag-alaman, caretaker lamang sa nasunog na dalawang palapag na bahay ang pamilya Atubang na pagmamay-ari ng nagngangalang Ismael Balnuebo.

Ang mga biktima ay dalawa lamang sa anim na magkakapatid. Nang mangyari ang insidente, nag-aaral ang tatlo sa kanila habang ang kanilang ina ay nasa ospital upang magpa-checkup.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …