Sunday , December 22 2024

7 patay, 30 arestado sa Davao City drug raid

DAVAO CITY – Patay ang pitong hinihinalang drug pushers nang manlaban sa operasyon ng mga awtoridad sa lungsod ng Davao dakong 3 a.m. kahapon.

Sabay-sabay na operasyon ang inilunsad sa ilalim ng “Lambat-Sibat: Oplan Kaagapay” ng Davao City Police Office (DCPO), CIDG central office at PDEA sa bahay ng suspected drugs pusher upang isilbi ang search warrant.

Kabuung 35 search warrant ang bitbit ng mga tauhan ng DCPO na inilabas ni Judge Emmanuel Carpio ng RTC Branch 16.

Kinilala ang ilan sa mga napatay na sina Cyril Ramos, residente sa San Isidro, Bankerohan; Arnulfo Senieso, Michael Cadiente na kinilala ng kaniyang pamilya bilang isang Reynaldo Quindao, alyas Dondon Bilaan, isang Jerome Portalez at Marvin Vargas.

Habang umaabot sa 30 katao ang naaresto kabilang ang 20 kalalakihan at 10 kababaihan.

Sa inisyal na impormasyon, umaabot sa milyon-milyong halaga ng ilegal na droga ang nakompiska, 13 armas, dalawang hand greenade, 10 bala, at tatlong motorsiklo na ginagamit ng mga suspek sa kanilang pagtutulak ng illegal drugs.

Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng San Pedro Police Station, Sta. Ana, Talomo Police Station, Sasa Police Station, Buhangin Police Station, Toril Police Station, Mintal at Calinan Police Stations sa lungsod ng Davao.

Personal na pinangasiwaan ni CIDG chief Director Benjamin Magalong ang nasabing malaking operasyon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *