Sunday , December 22 2024

65 cable thieves, fraudsters kinasuhan (Globe, PNP at NBI nagsanib-puwersa)

INARESTO at kinasuhan ng Globe Telecom, Philippine National Police (PNP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 65 na itinurong magnanakaw at nandaraya ng cable sa harap ng pinaigting na kampanya laban sa naturang ilegal na gawain.

Nasa 12 indibiduwal ang hinuli at ngayo’y nahaharap sa kasong estafa dahil sa illegal recontracting at subscription fraud, 31 sa ilegal na pagbebenta ng WiMax Modems at 20 para sa pagnanakaw ng cable.

Ayon kay Atty. Froilan Castelo, Globe General Counsel, ang naturang mga kaso ay dapat magsilbing babala na ang Globe, sa pakikipagtulungan ng PNP at NBI, ay walang humpay sa pagsusulong ng kampanya laban sa lahat ng uri ng pandaraya na maaaring makasira sa pangalan at reputasyon ng kompanya at magdulot ng masamang epekto ng mga lehitimong customer ng Globe.

Pinag-iingat din ni Castelo ang mga customer ng Globe laban sa mga mapagsamantalang indibiduwal na maaaring nanghihikayat sa kanila na bumili ng murang mga produkto at serbisyo ng Globe o mas maikling term subscription period ngunit maaaring magbigay sa kanila ng problema sa huli.

“We encourage everyone to only transact with legitimate sellers and distributors or go directly to any of the numerous Globe Stores to ensure that they only get quality services and after-sales support. And to those who have already fallen victim to illegal activities including cyber fraud, Globe will not hesitate to bring the perpetrators to justice,” aniya.

Sinabi ni Castelo na bilang bahagi ng security enhancement program nito,  ang Globe ay naglagay ng most-advanced closed circuit television (CCTV) cameras sa lahat ng Globe Stores sa buong bansa. Ang CCTV recordings ay gagamitin sa paghaharap ng ebidensiya sa police investigations at legal prosecution laban sa mga ilegal na gawain tulad ng identity theft na ninanakaw ng mga impostor ang personal information at inaako ang pagkakakilanlan ng ibang tao para sa personal na kapakinabangan.

“We would like to assure the public especially our customers that cybercrime investigation is now equally sophisticated and can yield results that will hopefully prevent similar occurrences from happening,” dagdag ni Castelo.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *