Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang saysay makipag-usap kay Joma

HINDI na kailangang patulan pa ng pamahalaan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder  Jose Maria Sison.  Sa simula pa lang, wala nang mangyayari sa iniaalok nitong peace talks dahil sa kondisyong imposibleng ibigay ng pamahalaan.

Ang hindi inaasahang pag-uusap ay naganap sa The Neteherlands nang magtungo ang grupo ni Speaker Sonny Belmonte para dinggin ang petisyon ng pamahalaan hinggil sa ginagawang pa-tuloy na pag angkin ng China sa West Philippine Sea.

Sa kabila nang wala namang bargaining chips ang  bangkaroteng ideya ng CPP ni Joma, buong pagmamataas pang sinabi nitong babalik lamang sila sa negotiating table kung palalayain daw muna ng pamahalaan ang mga bilanggong politikal at peace consultant.  Ano ka hilo?!

Walang karapatang magtakda ng kondisyon si Joma sa pamahalaan.  Kung nais ni Joma ng peace talks, umuwi siya sa Pilipinas at ipakitang tunay siyang lider ng inaaaping masang Pilipino. 

Hindi maaaring patakbuhin ni Joma ang rebolusyon sa pamamagitan ng remote control.  Ang pakikibaka ng pulang mandirigma sa mga kanayunan ay sagrado at buhay ang iniaalay nila makamit lang ang mithiing paglaya ng bayan.

Itigil na ang kahibangan ni Joma. Itigil na rin niya ang pagkanta sa karaoke at pag-inom ng mamahaling red wine.  Sabi nga ni Mao… “A revolution is not a dinner party, or writing an essay, or painting a picture, or doing embroidery.  A revolution is an insurrection, an act of violence by which one class overthrows another.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …