Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Skyway Stage 3 at NAIA Expressway delays kinastigo ni Mayor Olivarez

LANTARANG kinastigo ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang delay sa konstruksyon ng Skyway Stage 3 at NAIA Expressway Phase 2 projects na kapwa hawak ng Skyway O & M  Corporation (SOMCO) na nagdudulot ng malaking perhuwisyo sa mga motoristang nagyayaot papasok at palabas ng lungsod sa araw-araw.

Bagamat nauunawaan umano ng alkalde ang magandang layunin ng mga nasabing proyekto, hindi maipagsasawalang-bahala ang napakaraming reklamo ng taumbayan at ang perhuwisyong idinudulot nito sa araw-araw.

Sinabi ni Olivarez na hindi lamang mga taga-Parañaque ang apektado ng delays sa constructions ng dalawang naturang proyekto kundi ang buong bansa dahil maging mga pasaherong palabas at papasok ng bansa na gumagamit ng premier airport ay napeperhuwisyo na rin.

Malaking kawalan ito sa ekonomiya hindi lamang sa Parañaque kundi sa buong Metro Manila sa kabuuan.

Pinaalalahanan din ni Mayor Olivarez ang pamunuan ng Skyway (SOMCO) na pangunahing nangangasiwa ng proyekto na kailangan ding tuparin ng contractors ang kanilang mga pangako patungkol sa deadlines ng mga proyektong ito.

Partikular na tinukoy ni Olivarez ang Skyway O & M Corporation na siyang construction arm ng San Miguel Corporation.

“Pero Hulyo na ngunit di pa rin nababanaagan ang completion nito,” ani Mayor Olivarez.

“We are required to deliver the first phase – from Buendia to Palza Dilao- by mid of next year and it would be operational by then,” pahayag noon ni Bonoon sa harap ng Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) kaugnay ng ng San Miguel Business Journalism Seminar sa Baguio City.

Ang Skyway Stage 3 project ay nagkakahalaga ng P26.7 bilyon,  14.8-kilometer na six-lane elevated expressway na mag-uugnay sa dulo ng Skyway hanggang Balintawak, Quezon City.

Kapag natapos ang Skyway Stage 3 ay mag-uugnay ito sa South Luzon Expressway (SLEX) hanggang North Luzon Expressway (NLEX) na inaasahang lubhang magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa maraming bahagi ng Kalakhang Maynila.

Nabigo rin si Bonoan at ang pamunuan ng SOMCO sa pangako na tapusin ngayong Hunyo ang NAIA expressway phase 2 project na magbibigay sana ng access NAIA terminals 1, 2 and 3 sa karugtong ng Skyway Stage 3 at SLEX at mag-uugnay rin maging sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX).

Pinapupurihan ng TARGET ON AIR TV ang pagiging prangka ni Olivarez sa nasabing isyu hindi para sa kanyang pansariling interes kundi sa interes ng kanyang mahal na siyudad at ng buong bansa.

Ekonomiya kasi ang numero unong tinatamaan ng epekto sa pagsisikip ng trapiko.

Malaking black eye ito sa imahe ng bansa dahil kung ganitong usad-pagong ang mga pagawaing isinasakatuparan, lumalabas na napaka-backward pa ng ating teknolohiya at kaalaman.

Hindi lamang ang mga iresponsableng contractors ng mga project na ito ang mapupulaan kundi maging ang atin mismong gobyerno.

Iba talaga si idol Edwin, basta kapakanan ng taumbayan, tiyak na ipaglalaban at hindi magsasawalang-kibo.

Mabuhay ka idol!          

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …