Sunday , December 22 2024

Roxas: Marquez bagong PNP chief

INIANUNSYO kahapon ni DILG Secretary Mar Roxas ang bagong magiging hepe ng PNP na si Police Director Ricardo Marquez.

Isang araw ito bago ang napipintong pagreretiro ni Deputy Director Leonardo Espina na nagsilbing OIC ng PNP sa nakaraang pitong buwan.

Sinagot ni Roxas ang mga puna kung bakit matagal bago nakapagtalaga ng hepe si Pangulong Aquino sa PNP: “Ayon sa Pangulo, one of the most important na gawain o tungkulin na maiwan is to have credible elections. So… napakabigat ng konsiderasyon na ito na kung sino man ang magpaplano, kung sino man ang mamumuno ng PNP sa panahon ng pagpaplano, paghahanda para sa darating na halalan.”

Pinuri ni Roxas si Espina dahil sa naging serbisyo niya sa PNP.

“Dindo stood up and stepped up and ipinakita niya ang kanyang husay sa liderato, na ang PNP, I believe, today is stronger, more united, and is more focused. Na-imbibe nila ang One PNP approach,” sabi niya.

 Siniguro ni Roxas na tuloy ang matagumpay na ‘Oplan Lambat Sibat’ na naibaba nang 50% ang crime rates sa National Capital Region.

“The marching orders ni PNoy is to continue the anti-criminality drive, particularly the successes of Lambat Sibat,” ayon kay Roxas.

Nasubukan na rin ang tatag ng ‘Oplan Lambat Sibat’ sa ibang rehiyon, na si Marquez ang nagpalaganap sa ilalim ng direksyon ni Roxas.

“Katulad po ng sinabi ng ating mahal na Kalihim, ika-cascade po natin sa lahat ng regions. Uunahin po natin ang urban centers, ‘yung konsepto po ng Lambat Sibat,” pangako ni Marquez.

Sa Region III ay nagkaroon ng 33% na pagbaba sa crime rate, habang 18% ang pagbaba sa Region IV-A.

Kasama naman sa mga bagong responsibilidad ng bagong PNP Chief ang paniniguradong maidaos ng matiwasay ang APEC Leaders Summit nitong Nobyembre.

Ipagpapatuloy lamang aniya ang kanyang nasimulan dito sa seguridad ng APEC dahil simula’t sapul ay kabahagi na siya ng security committee nito.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *