Thursday , December 26 2024

‘Ready ang LP kahit wala  si Grace Poe’

ITO ang matapang na pahayag ng Malakanyang at ilang opisyal ng Liberal Party kapag hindi naplantsa ang Roxas-Poe tandem para sa 2016 presidential election.

Sabi ni presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda, may plan B na ang LP sakaling hindi pumayag si Senadora Grace Poe maging running mate ni DILG Sec. Mar Roxas.

Sa ngayon, ayaw pang magsalita ni Grace tungkol sa isyung ito. Pero dalawang beses na siyang kinausap ni Pangulong Noynoy Aquino sa Malakanyang.

Sabi ni Grace, kinausap na nga siya ni PNoy pero hindi pa naman sinasabi sa kanya na tumakbong presidente o bise presidente.

Si Grace ay nangunguna sa surveys sa pagka-presidente at bise presidente. Bagama’t ngayon palang siya pumasok sa politika ay naging No. 1 siya sa pagka-senador na ibinoto nang higit 20 milyon Pinoy noong 2013 election sa ilalim ng tiket ng Team PNoy.

Target ngayon si Grace ng “demolition” ng kampo ni presidentiable Vice President Jojo Binay.

Sa kabilang banda, sinabi kahapon ni Senadora Cynthia Villar ng Nationalista Party (NP) na ang kanilang partido ay may tatlong naghahangad tumakbong presidente at bise presidente. Ito ay sina Sen. Bongbong Marcos, Sen.Alan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes.

Si Trillanes, na patapos na ang termino sa pagka-senador, ay nagdeklara nang tatakbong Bise Presidente.

Sinabi naman ng mommy ni Marcos na si Congw. Imelda na gusto niyang maging presidente ang kanyang anak. Kalat na nga sa social media ang pangangampanya ng mga Marcos.

Si Cayetano naman ay naghihintay ng himala na tumaas ang kanyang rating sa mga survey. So far kasi ay kulelat siya sa surveys ng SWS at Pulse Asia.

Sabi ni Villar, magpa-finalize sila ng lineup after ng SONA ni PNoy sa Hulyo 27.

Abangan ang update sa politika araw-araw sa kolum na ito. Share rin kayo ng opinions n’yo, mga igan…

Buhos ang tulong sa baby na nabuhusan ng hot water sa Tablas, Romblon

NAGPAPASALAMAT tayo sa mga nangako at nagbigay ng tulong sa isang 6-month old baby na si Justin Jay Visca ng sitio Agmanic, Tabugon, Sta. Fe, Tablas, Romblon, na nabuhusan ng mainit na tubig ang kalahati ng katawan, mula bewang hanggang paa. Halos naging tutong ang balat ng sanggol. Pinost sa FB ng attending physician ng Looc, Tablas na si Dr. Ernesto Panes ang larawan ng bata. Umani ito ng grabeng awa ng netizens, kabilang na ang inyong lingkod. Kaya nagpadala agad tayo ng financial assistance para sa gamot, gayundin ang FB friend ko na si Cristy Bohol Madoloria ng Cavite.

Sabi ni Dr. Panes, may mga kaibigan din siya sa ibang bansa na nagpadala ng financial assistance para sa medication ng baby.

Nakontak ko ang tiyuhin ng baby na si Antonio Visca ng sitio Agmanic.  Aniya, ang pa-rents ng baby ay nasa Maynila, sina Jessie at Anne Visca na taga-Mat-i. Iniwan lang daw sa kanila ang sanggol.

Ayon kay Dr. Panes, napabayaan ng nagbabantay na dalagita ang sanggol dahil busy sa kate-text. Nasagi ng gumagapang na baby ang thermos, natumba ito at bumuhos ang lamang mainit na tubig sa katawan ng bata. Ayon, lapnos!

Salamat sa mga tumulong, lalo na kay Dr. Panes.

Police visibility kailangan sa tulay ng Zapote, Bacoor, Cavite

– Mr. Venancio, talamak ang holdap at snatching dito sa may tulay ng Zapote, Bacoor, Cavite, malapit sa palengke. Walang police visibility. Kawawa nga taong nahoholdap. – 09294991…

Paging Zapote Police, paki-monitor ang ulat na ito. Aksyon!

Kung ayaw nyo kay Binay, wag nyong siraan!

– Magandang buhay sa ating lahat. Kung ayaw nyo si Binay ‘di wag ninyong siraan. Sarili nyo nalang pakialaman nyo. Dito saa Ilocos Norte, Binay kami. Yan lang po! – 09108177…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *