Monday , November 18 2024

Pamilya nalason sa pekeng asin

KORONADAL CITY – Isang pamilya sa Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato ang nalason ng hinihinalang pekeng asin na nabili nila sa katabing tindahan.

Ayon kay Brgy. Dajay Chairman at Surallah ABC President Henry Eslabon, pitong miyembro ng pamilya Ricablanca ng Prk. Curba, Brgy. Dajay ang nalason.

Kinilala ang mga biktimang sina Vicenta, Sandy, Roland, Lucena, Heidi na isang buntis, Apitong at ang anak niya.

Ayon kay Eslabon, kamakalawa nang pumunta sa Municipal Health Center si Gng. Vicenta at inireklamo ang nabiling asin sa katabing tindahan na may hindi magandang lasa makaraan ihalo sa kanilang niluto.

Aniya, makaraan silang kumain ay nakaramdam na sila nang pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Ipadadala ng Municipal Health Office ang specimen ng naturang asin sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) upang mapag-aralan kung ito nga ba ang dahilan nang pagkalason nang nasa-bing pamilya.

Inihayag ni Surallah Municipal Health Officer Dr. Neil Crespo, maituturing na isolated ang kaso nang pagkalason dahil sila lamang sa kanilang lugar ang nabiktima ng sinasabing pekeng asin.

Bago ang insidenteng ito, naging isyu rin ang pekeng bigas sa Davao, pekeng bihon at pagkalason ng halos 2,000 mag-aaral dahil sa candies.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *