Sunday , December 22 2024

No leave policy sa SONA – NCRPO

MAGPAPATUPAD ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng ‘no leave policy’ sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Hulyo 27.

Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Supt. Annie Mangele, bawal lumiban sa nasabing araw ang sino mang kawani ng NCRPO.

Ito aniya’y bilang bahagi ng seguridad na ilalatag sa araw ng SONA.

Kaugnay nito, ikinakasa na ng NCRPO ang iba pang preparasyong panseguridad kasama ang pagpapalakat ng mga pulis sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Kasabay ng SONA taon-taon, inaasahan na ang pagdagsa ng mga raliyista na tutol sa pamahalaan.

Nitong 2014, kaliwa’t kanang protesta ang isinagawa laban sa administrasyon para iprotesta ang isyu ng edukasyon at pork barrel.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *