GAGANAPIN sa July 17 ang Visayas at Cebu matinee and pre-pageant night na Mr. & Ms. Campus Face 2015 @ 2:00 p.m. samantalang ang Grand Pageant and Coronation Night ay gaganapin naman sa July 18, 6:00 p.m.. Both events will be held @ The Stage Theater, Elizabeth Mall sa Cebu.
Special guests sa coronation night bilang judges ang mag-asawang sina Precious Lara Quigaman (Miss International 2005) at actor na si Marco Alcaraz kasama ang showbiz columnist/contributor na si Rommel Gonzales.
Ang mga host ay sina JK Hernandez at Krystal Palomiana.
Ang mga sponsor ng events ay ang EMall (Elizabeth Mall), Atmosfere Island Hopping & Tours, Helen Arong Fine Fashion, All White/Skin Blend, C & J Images, Ally Hinayo-Nolasco, Ms. Hanellete Domingo, Nicole Zabat, at Domino Events.
Ang national grand finals/coronation night naman ay gaganapin sa July 31 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan. Dito ay ipakikilala ang fresh talent from Calgary, Canada na si Simone, isang young singing sensation, bukod pa sa celebrities, media guests, at beauty queens na dadalo sa patimpalak.
FACT SHEET – Reggee Bonoan