Sunday , December 22 2024

Marikina Traffic Chief itinumba ng NPA

PATAY sa tatlong tama ng bala sa mukha ang isang dating opisyal ng pulisya at ngayo’y humahawak ng sensitibong posisyon sa Marikina City Hall, makaraan pagbabarilin ng isa sa tatlong kabataan na sinasabing nasa ‘test mission’ ng New Peoples Army (NPA) sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang biktimang si retired Chief Insp. Renato Sto. Domingo, 62, ng 32 Bantayog St., Concepcion Uno, kasalukuyang hepe ng Traffic Management and Enforcement Division (TMED).

Sa inisyal na imbestigasyon nina SPO4 Edilberto Aguila at SPO1 Bueneres Cruz, dakong 6:30 p.m. habang inaayos ng biktima ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang bahay nang lumapit ang tatlong kabataan at isa sa mga suspek ang tatlong beses na bumaril kay Domingo.

Pagkaraan ay naglakad lamang na parang walang nangyari ang mga suspek patungo sa BG Molina St.

Narekober sa crime scene ang ilang basyong bala ng 9mm at mga polyetos mula sa Partisano Unit ng NPA na nakasaad ang katagang “Sinentensiyahan ng Kamatayan” ang biktima. 

Samantala, sa pamamagitan ng isang flier na nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen, lumalabas na Partisano Armadong Operatiba Partido Rebolusyon para sa Sosyalismo Leni Katindig National Operational Command ang responsable sa pagpatay.

Ed Moreno

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *