Saturday , November 16 2024

Malapitan utas sa P50 (Ayaw magbigay ng pantoma)

PATAY sa saksak ang isang 46-anyos tricycle driver nang tumangging magbigay ng lagay sa isang lasing sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Noel Malapitan, 46, may asawa, ng Gate 7, Parola Compound, Tondo, dahil sa dalawang saksak sa dibdib.

Habang mabilis na tumakas ang suspek na si Roland Panican, residente ng 350 Area A, Gate W-5, Parola Compound, Tondo.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Donald Panaligan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 7 a.m. nang maganap ang insidente sa Apex Compound sa Pier 2, North Harbor sa Tondo.

Nakikipag-inoman ang suspek sa kanyang barkada, nang magbaba ng pasahero ang biktima mula sa kanyang tricycle.

Agad siyang nilapitan ng suspek at humingi ng P50 para pandagdag sa pambili ng kanilang inomin.

Ngunit hindi nagbigay ang biktima kaya sa galit ng suspek ay inundayan siya ng saksak.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Angelica Ballesteros, Anne Marielle Eugenio, Rhea Fe Pasumbal At Beatriz Pereña

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *