‘Gapo officials, missing in action sa kalamidad (Nasa Amerika lahat)
hataw tabloid
July 15, 2015
News
OLONGAPO CITY—Binaha ang ilang barangay sa lungsod na ito pero missing in action si Mayor Rolen Paulino at halos lahat ng miyembro ng City Council kaya posibleng parusahan sila ng Department of Interior and Local Government (DILG) pagbalik sa bansa.
Sanhi ng bagyong Egay, Falcon at hanging Habagat, lumubog sa baha ang maraming lugar sa Olongapo ngunit nasa Virginia City sa Amerika ang 80% ng opisyales nito para sa Signing Agreement bilang sisterhood city ng lungsod.
Itinalaga ni Paulino si City Administrator Mer Malbute bilang acting Mayor at isinama ang lahat ng miyembro ng City Council maliban kina Councilor Eyrma Yvette Marzan Estrella at Edic Piano.
Sa memorandum ng DILG, inalis si Malabute bilang pansamantalang alkalde at itinalaga si Estrella bilang acting Mayor at bise alkalde naman si Piano.
Ayon kay Piano, mali ang pag-alis sa bansa ni Paulino na hindi man lamang hinintay ang sagot ng DILG para aprubahan ang request na makalabas ng bansa bago pa man natanggap ng DILG Olongapo ang sagot mula sa Central Office.
“Walo lamang ang pinayagan na mag-official leave at hanggang July 6 lang, after July 6 ang pananatili nila sa US ay unofficial na, hindi rin katanggap-tanggap na sobrang laki ng kanilang delegasyon para lang i-witness ang signing ng Sister City, halos walang natirang opisyal sa lungsod sa panahon ng tag-ulan at palaging may risk nang malaking pagbaha sa lungsod,” diin ni Piano
Ang masama, hindi inirespeto ni Malabute ang pagiging acting Mayor at acting Vice Mayor nina Estrella at Piano na iniutos ng DILG.
Sinabi ng isang Junty Gonzales sa social media site na si Paulino ay parang isang tatay na umalis sa kanyang bahay kahit may parating na bagyo, isinama pa si nanay, si ate at si kuya habang ang bunso sa pamilya ay pinagbilinang bantayan ang bahay na may tulo ang bubong at alagaan ang sarili niya na parang inabandona ang kanyang tahanan.
Claire Go