Sunday , December 22 2024

Posibilidad ng botohan sa malls malabo

PINAALALAHANAN ng dating Comelec commissioner ang balak ng komisyon na magtayo na rin ng mga presinto sa malls para hindi mahirapan ang mga botante at hindi tamarin sa pagboto.

Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, may ilang mga usapin na dapat ikonsidera ng Comelec, tulad nang gagawing testing at sealing ng PCOS machines at deployment ng board of election inspectors sa gabi bago ang halalan.

Nilinaw ni Larrazabal, dapat maintindihan ng mga tao na hindi gaoon kasimple na maisagawa ang botohan sa mga mall.

Marami aniyang dapat ikonsidera na hindi lalabag sa batas.

“I hope people understand that voting in malls isn’t as simple as it sounds. Many things need to be done to make it feasible,” bahagi ng Twitter message ni Larrazabal.

Una nang napaulat na nabanggit ni Comelec Chairman Andres Bautista na kaya ikinokonsidera ang voting sa mall ay para maging komportable ang mga tao, may aircon, maiiwas sa sobrang init ng panahon at may mga restaurant na maaaring doon maghintay ang mga tao.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *