Sunday , December 22 2024

Patong-patong na kaso vs candy vendors

SINAMPAHAN na ng patong-patong na kaso ng pulisya sa Surigao del Sur ang limang candy vendors makaraan malason ang mahigit 1,900 mag-aaral sa kanilang ibinentang Wendy’s Durian at Mangosteen candies.

Inihain ang kaso sa Regional Trial Court Branch 27 sa Tandag City.

Kabilang sa isinampang kaso laban sa mga suspek ay reckless imprudence resulting in multiple serious physical injuries sa ilalim ng Revised Penal Code, paglabag sa Food Security Act of 2013, at Republic Act 7394 o Commerce Act of the Philippines.

Bago ito, sinabi ni Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel, itutuloy rin ng lokal na pamahalaan ang paghahain ng kaso.

Ayon sa opisyal, umaabot sa halos 2,000 ang naging biktima candy poisoning ngunit apat na lamang ang naka-confine sa ospital at ang iba ay nakalabas na.

Aniya, kanila nang natukoy kung sino ang may-ari ng factory ng durian at mangosteen candies sa lungsod ng Davao at ang proprietress ay isang Janet Aquino.

Sa ngayon, ayon kay Gov. Pimentel, hinihintay nila ang resulta ng laboratory findings sa sample ng naturang candies na kanilang ipinadala sa Department of Health (DoH) upang matukoy kung talagang may toxic o harmful chemicals ang ibinentang kendi o kung ito ay panis na.

Una nang sinabi ng DoH at Food and Drug Administration na sa Miyerkoles ilalabas ang resulta nang pagsusuri sa mga sample ng kendi.

Pagawaan ng durian candies ipinasususpendi

DAVAO CITY – Iniutos ni Acting Mayor Paolo Duterte na suspendihin ang Wendy’s Delicious Durian Candy makaraan malaman na ang manufacturer nito ay hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Kung maaalala, ang Wendy’s Delicious Durian Candy ang itinuturong dahilan sa pagkalason ng halos 2,000 estudyante sa Surigao del Sur at iba pang lugar sa Caraga Region.

Natanggap ng bise mayor ang report mula sa City Health Office Davao na nagsasabing ang nagmamay-ari ng produkto na si Janet I. Aquino ay walang hinahawakang FDA certification na patunay na may pahintulot siyang magtinda ng candy products. 

Samantala, nananatili sa kustodiya ng Tandag City Police Station ang sinasabing nagtitinda ng durian candies na mga miyembro ni Pastor Apollo Quiboloy.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *