Sunday , December 22 2024

Pagmilagrohan kaya muli si Veloso?

PAGMILAGROHAN kaya muli ang overseas Filipino worker na si Mary Jane Veloso at hindi matuloy ang pagbitay sa kanya sa Indonesia?

Ayon sa Migrante International, nakatakdang mag-anunsiyo ang gobyerno ng Indonesia ng talaan ng mga ihaharap sa firing squad sa Hulyo 17, at malamang ay mapasama si Veloso.

Naisalba ang buhay ni Veloso noong Abril sa pakiusap ni President Aquino kay Indonesian President Joko Widodo na ipagpaliban ang bitay, upang makapagpakita ang OFW ng ebidensya laban sa nag-recruit sa kanya.

Ipinagsakdal ang sinasabing illegal recruiters ni Veloso na sina Maria Cristina Sergio, Julius Lacanilao at ang kasabwat na alyas “Ike” sa mga kasong “qualified trafficking, illegal recruitment and estafa.”

Nakakita ang Department of Justice ng probable cause sa pag-amin ni Lacanilao na ipinakilala niya si Veloso kay Sergio. Nangako si Sergio na makapagbibigay kay Veloso ng trabaho bilang domestic helper sa Malaysia na may suweldong P25,000.

Kahit wala palang lisensya para mag-recruit ay nagkunwari raw ang dalawa na may kapasidad si Sergio na italaga si Veloso bilang DH sa Malaysia kapalit ng halagang P20,000.

Nakombinse umano si Veloso na ibigay kina Lacanilao at Sergio ang kanyang P7,000, cell phone at isangla sa kanila ang kanyang tricycle.

Sa mga natuklasan ay lumalabas na biktima nga si Veloso at totoong walang alam na may 2.6 kilo ng heroin sa kanyang bagahe nang pumasok siya sa Indonesia. Isa siyang OFW na naghahangad makapagtrabaho sa abroad at hindi isang drug mule.

Pero sa higpit ng mga batas ng Indonesia sa mga nahuhulihan ng droga, ang magagawa nI Veloso ay magdasal nang taimtim na magkaroon ng pangalawang milagro na magsasalba sa kanyang buhay.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *